• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Construction ng bagong Navotas Polytechnic Collage, sinimulan na

INANUNSYO ni Navotas City Congressman John Rey Tiangco na sinimulan na ang construction ng bagong four-story building ng Navotas Polytechnic Collage (NPC) para lalo pang maitaas ang antas ng de-kalidad na edukasyon ng bawat kabataang Navoteño.

 

 

Ayon kay Cong. Tiangco, ang bagong pinagandang NPC na may roof deck ay magkakaroon ng 28 classrooms, siyam na laboratories para sa speech, computer at science laboratory, research and publication room, library, audio-visual room, at multi-purpose room.

 

 

Magkakaroon din ito ng medical at dental clinic, indoor gymnasium, outdoor sports at activity area na may volleyball at badminton court, indoor at outdoor study areas, canteen, indoor garden at atrium.

 

 

Samantala, sinabi naman ni Mayor Toby Tiangco, ang NPC na naging bahagi ng pagtgatapos ng 26 batches ng kabataang Navoteño ay sinimulan ng pagtayuan ng mas malaki at mas modernong estraktura para patuloy na maisulong ang de kalidad na edukasyon.

 

 

Dagdag pa ni Mayor Tiangco, pagnatapos ang construction ng NPC ay makakapagbukas pa ng mas maraming libreng kurso para sa mga Navoteño.

 

 

“Nagpapasalamat tayo sa DPWH at sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas na naging katuwang po natin sa proyektong ito. Yaman ng Navotas ang kabataang Navoteño kaya hindi tayo titigil sa pagtaas ng kalidad ng edukasyon sa ating lungsod para masiguro ang kanilang kinabukasan,” pahayag ni Cong. Tiangco. (Richard Mesa)

Other News
  • WATCH THE FIRST TRAILER OF “THE CONJURING: THE DEVIL MADE ME DO IT”

    THE horror returns as Warner Bros. Pictures reveals the official trailer of “The Conjuring: The Devil Made Me Do It,” based on the shocking true story of demonic possession, from the case files of Ed and Lorraine Warren.       Check it out below and watch “The Conjuring: The Devil Made Me Do It” […]

  • Pilipinas hindi pa nakakabili ng bakuna laban sa COVID-19 – PRRD

    Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa nakakabili ang bansa ng bakuna laban sa COVID-19.     Ito ang naging kasaguntan ng pangulo sa mga tanong ng ilang opisyal na kung saan napunta ang inutang ng gobyerno pambili ng nasabing bakuna.     Sa kaniyang public address nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ng pangulo […]

  • Marcial solong sasabak sa Asian Championships

    Tanging si Eumir Marcial lang ang Olympian na masisilayan sa Asian Elite Boxing Championships na idaraos sa Mayo 21 hanggang Hunyo 1 sa Dubai, United Arab Emirates.     Ito ang inihayag ni Marcial kung saan hindi magpapartisipa ang mga kapwa Tokyo Olympics qualifiers na sina Nesthy Petecio, Irish Magno at Carlo Paalam. “Ako lang […]