SINAS, MOST TRUSTED NI PDU30 – Sec. ROQUE
- Published on November 11, 2020
- by @peoplesbalita
SI National Capital Region Police Office (NCRPO) director Police Major Gen. Debold Sinas ang itinuturing na ‘most trusted’ ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaya’t itinalaga bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).
Ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang kalamangan ni Sinas sa ibang kandidato sa puwesto.
“Let’s just say that the appointment to the post is a matter of trust and confidence. And he is, for the moment, the most trusted by the President. So let’s leave it at that,”ayon kay Sec. Roque.
Nauna rito itinalaga na ni Pangulong Duterte si Sinas bilang bagong PNP Chief.
Si Sinas ay naging kontrobersiyal matapos taguriang mañanita cop.
Nauna rito, inanunsyo ni Sec. Roque, na nagsimula sa kanyang bagong posisyon si Sinas kahapon, November 10, kasabay ng pagbaba sa puwesto ni outgoing PNP Chief, Gen. Camilo Cascolan na nagretiro na.
Aniya, kung ang seniority ang susundin o ang rule of succession, si PNP deputy chief for administration Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang number two man ng PNP.
Samantala, napaulat na posibleng ang magkaklase sa Philippine Military Academy (PMA) Hinirang Class of 1987 na sina Police Lt. General Guillermo Eleazar, na kasalukuyang commander ng Joint Task Force Covid Shield, at National Capital Region Police Offcie (NCRPO) Police Major General Debold Sinas ang maaring mapagpilian bilang susunod na PNP chief.
Si Eleazar ay mahigit isang taon pa sa serbisyo at nakatakdang magretiro sa Nobyembre 2021 habang si Sinas naman ay magreretiro sa Mayo 2021.
Samantala, hindi titigil ang pamahalaan sa laban nito sa iligal na droga at isulong pa ang mga tagumpay na una nang nakamit ng Philippine National Police (PNP) sa larangan ng kaayusan at kapayapan.
Nais din aniya ng Chief Executive na manatili at isulong pa ang pagkakaroon ng peace and order sa bansa, na napatunayan na aniya sa pinakahuling survey ng Gallup, kung saan lumalabas na ang Pilipinas ay pang-12 sa mga pinakaligtas na bansa mula sa 144 countries.
Sa kabilang dako, nakiusap naman si Sec. Roque sa publiko na bigyan ng pagkakataon si Sinas na gampanan ang kanyang bagong tungkulin sa kabila ng kontrobersiya nitong kinasangkutan dahil sa Mañanita, ayon sa kalihim, maiging bigyan ng pagkakataon si Sinas. (DARIS JOSE)
-
Malabon LGU, kinilala ng DILG sa paghahatid ng mga serbisyo
TUMANGGAP ng maraming parangal ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon, sa pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval mula sa Department of Interior and Local Government-National Capital Region (DILG-NCR) para sa epektibo at mahusay nitong paghahatid ng mga programa para sa kapakanan, kaligtasan, at pagpapabuti ng buhay ng mga Malabueño. “Isang karangalan para sa pamahalaang lungsod ang […]
-
PBBM, pinalakas ang partnership sa World Food Programe para labanan ang malnutrisyon sa Pinas
MAS PINALAKAS pa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang partnership ng Pilipinas at World Food Programme (WFP) bilang bahagi ng pagsisikap ng administrasyon na labanan ang malnutrisyon at pagkagutom sa Pilipinas. Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na palaging bukas ang pamahalaan na magpartisipa sa anumang pagsisikap ng WFP na makatulong […]
-
Personal photographer ang peg ayon sa netizens: Rumored girlfriend ni JOHN LLOYD na si ISABEL, nag-share ng photos nila kasama si ELIAS
NAG-SHARE ng series of photos sa kanyang IG account ang sinasabing rumored girlfriend ni John Lloyd Cruz na si Isabel Santos noong February 22. Makikita nga na kasama niya ang aktor at ang anak na si Elias habang na sa beach at may caption ito na, “Saw the river meet the sea.” […]