• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Decongestion sa Bilibid ginagawan na ng paraan – DOJ

KINUMPIRMA ng isang opisyal mula sa Department of Justice (DOJ) na mayroon ng ginagawang hakbang ngayon para tugunan ang problema sa decongestion sa New Bilibid Prison (NBP).

 

 

Ayon kay DOJ Undersecretary Deo Marco, na bumuo ngayon ang pamunuan ng Bureau of Corrections (BUCOR) ng task force para ilipat ang New Bilibid Prison (NBP) sa ibang lugar para maibsan ang problema sa high congestion rate sa national penitentiary.

 

 

Sinabi ni USec Marco na balak ng Bucor na ilipat ang NBP sa mega prison sa Nueva Ecija.

 

 

Inihayag din ng opisyal na nakapag submit na ang Bucor ng kanilang proposal at seryosong kinukunsidera ito ng DOJ at masusing pinag-aaralan ito sa ngayon.

 

 

Nakikipag-ugnayan na rin ang DOJ sa Malacañang para sa nasabing proposal. (Daris Jose)

Other News
  • Philippine beach volley teams handa na sa Vietnam SEAG

    MAYROON  nang sapat na eksperyensa ang national beach volleyball teams para lumaban sa gold me­dal sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo 12-23.     Nagmula sa training camp sa Australia ang dalawang koponan kung saan humataw ang national men’s team ng gold habang isang gold at isang silver ang nakamit ng […]

  • Ads September 9, 2023

  • PBBM sa mga pinoy, alalahanin ang mga biktima ng bagyo ngayong Pasko

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Filipino, araw ng Lunes na alalahanin ang mga biktima ng bagyo at paghihirap ng mga ito ngayong Kapaskuhan.     “Sana naman pagkadating ng Pasko, tayong mga Pilipino, alalahanin natin ang ating mga kababayan na nasalanta,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.   Inihayag ito ng Pangulo […]