No. 6 top most wanted person ng Zamboanga City, nalambat ng NPD sa Pasay
- Published on January 25, 2022
- by @peoplesbalita
NATIMBOG ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa isinagawang manhunt operation kamakalawa ng gabi sa Pasay City ang No. 6 top most wanted person ng Zamboanga City dahil sa kasong Rape.
Ayon kay DSOU chief PLt. Col. Jay Dimaandal, ang pagkakaaresto kay Crisostomo Amotan, 37, warehouse man at stay-in sa Block 45, Ortigas St., Baclaran Pasay City ay resulta ng Intelligence research and intensified manhunt operation kontra sa mga wanted person.
Ani police investigator PMSg Julius Mabasa, nakatanggap ang DSOU ng impormasyon na nakita ang akusado sa naturang lugar kung saan siya nagtatrabaho bilang warehouse man kaya agad nag-dispatch ng mga tauhan ang DSOU upang alamin ang ulat.
Nang positibo ang ulat, bumuo ng team ang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni P/Capt. Melito Pabon saka isinagawa ang operation, kasama ang NDIT- RIU NCR, 4th MFC RMFB, Sindangan Municipal Police Station Zamboanga City, at Pasay City Police na nagresulta sa pagkakaaresto kay Amotan dakong 6 ng gabi sa Block 45 Ortigas St., Baclaran, Pasay City.
Si Amotan ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Jose Rene Dondoyano, Presiding Judge ng RTC Branch 11 Sindangan Zamboanga Del Norte dahil sa kasong Rape na may petsang July 14, 2020 at walang i-nirekomendang piyansa.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa akusado ay sa pamamagitan ng patnubay at matatag na pamumuno ni NDP Director PBGEN Jose Santiago Hidalgo Jr, para maalis ang lahat ng uri ng lawlessness, illegal activities ng criminal gang at paigtingin ang manhunt kontra sa mga most wanted person. (Richard Mesa)
-
Sec. Roque, nananatiling malusog at wala umanong anumang sintomas ng Covid-19
NANANATILING nasa maayos ang pangangatawan at walang nararamdaman na anumang sintomas ng Covid-19 si Presidential Spokesperson Harry Roque. Kamakailan kasi ay nakasalamuha ni Sec. Roque ang kanyang staff na nagpositibo sa covid19. Aniya, tanging precautionary measure o pangangalaga sa katawan ang kanyang pinagtutuunan ng pansin ngayon upang masiguro na nananatiling nasa maayos na […]
-
Ravena paramdam na tuloy sa B.League
UNANG bumulaga ang pasabog ng Shiga Lakestars napapirma na si Philippine Basketball Association star Kiefer Isaac Ravena ng NLEX bilang Asian Quota player o import sa 6th Japan B.League 2021-22 nitong Miyerkoles ng hapon. Ilang oras ang nakalipas, nilabas ng statement ang North Luzon Expressway na naggigiit na kailangang sumunod sa UPC o […]
-
PRINCESS, nagpasaya ng 500 mga bata para ‘Pamaskong Handog’ ng kanyang foundation
SA puso ng Barangay Bayan Luma, Bacoor Cavite, mas nagningning ang diwa ng Pasko noong Disyembre 17, 2023, salamat sa Princess Revilla Foundation, Inc. Ang foundation ang may gawa ng isang makabagbag-damdaming ‘Pamaskong Handog’, isa itong Christmas gift-giving extravaganza na nagdulot ng kagalakan sa 500 na mga bata. Ang araw ay isang kasiya-siyang pagsasanib ng […]