Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, nagsagawa ng cleaning operation sa mga daluyan ng tubig
- Published on January 26, 2022
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS- Humigit kumulang 150 sako ng mga lumulutang na basura ang nakolekta sa ginanap na maliitang cleaning operation sa mga daluyan ng tubig sa ilalim ng tulay sa Brgy. Tawiran, Obando, Bulacan noong Biyernes, Enero 21, 2022.
Nilinis ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) at sa pakikipagtulungan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Obando ang mga basura na nagmula sa ibang lugar at tinangay ng daloy ng tubig sa Obando.
Sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa tulong ng iba pang ahensya ng gobyerno para sa kalikasan, sa paggawa ng kanilang bahagi upang panatilihin ang kalinisan ng lalawigan ngunit idiniin niya na bawat isang tao ay may responsibilidad sa pangangalaga sa inang kalikasan.
“Napakalaki ang ginagampanang tungkulin ng bawat indibidwal sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran. Mahalaga na sa ating sarili at sa ating mga tahanan magsimula ang disiplina sa paglalagay ng basura sa tamang tapunan. Kung mangyayari ito, aabutan pa ng mga susunod na henerasyon ang mga pamana ng ating mga likas na yaman,” anang gobernador.
Ang clean-up drive ay bahagi ng pagtupad sa 10-point agenda ni Fernando o ang “People’s Agenda 10” na kabilang ang Mabiyayang Kalikasan at Malinis na Kapaligiran. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Christmas bonuses, free legal aid para sa mga barangay tanod
IPINANUKALA ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan ang pagbibigay ng Christmas bonuses at iba pang insentibo sa mga barangay tanods. Ito ay bilang pagkilala sa ibinibigay na serbisyo para sa pagmementina ng peace and order sa komunidad. Sa House Bill (HB) 10909, kabilang sa benepisyo na ilalaan sa mga barangay tanods […]
-
‘Di na open sa pagkakaroon ng loveteam: NADINE, mas type ang mga edgy projects at makaganap na isang ‘psychopath’
HINDI na open si Nadine Lustre sa pagkakaroon ng loveteam. Sa solo zoom con niya para sa comeback film niyang Greed, winika ng Gawad Urian Best Actress winner for Never Not Love You na she is passed the stage of loveteam. “I know that being a part of a loveteam is […]
-
Pacquiao simula na sa training camp sa US
Nasa Amerika na si eight-division world champion Manny Pacquiao upang doon ipagpatuloy ang training camp nito para sa unification fight laban kay reigning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight king Errol Spence Jr. sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila). Bago umalis ng Pilipinas, muling iginiit ni Pacquiao na […]