4 drug suspects arestado sa Calocan
- Published on November 11, 2020
- by @peoplesbalita
APAT na hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang No. 1 priority personality on illegal drugs Regional level ang arestado sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., alas- 1:40 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) warriors sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo sa Phase 8A, Barangay 176, Bagong Silang na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanilang target na si Acmad Moad, 23, vendor.
Nakumpiska kay Moad ang aabot sa 18 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P122,400.00 ang halaga at marked money.
Alas-2:30 naman ng madaling araw nang masunggaban ng mga operatiba ng Intelligence Section at SDEU sa pangunguna nina P/ Maj. Rengie Deimos at P/Capt. Cabildo ang No. 1 priority personality on illegal drugs Regional level na si Noe Ariate, 26 ng 347 Marulas A Brgy. 36 sa buy-bust operation sa Raja Soliman St. Brgy. 37.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t-kumulang sa 50 gramo ng shabu na tinatayang nasa P340,000 ang halaga, cellphone at marked money na binubuo ng isang tunay na P1,000 bill at 44 piraso boodle money.
Samantala, balik-selda si Maria Cristina Pascual, 47 at Enrique Rosalida, 45 matapos masakote ng mga operatiba ng NPD- DDEU sa pangunguna ni P/ Capt. Ramon Aquiatan, Jr. sa buy-bust operation sa Block 4, Lot 2, Tupda Village, Brgy. 8, dakong 1:30 ng madaling araw.
Nakuha sa kanila ang 60 gramo ng shabu na nasa P408,000,00 ang halaga, marked money na binubuo ng isang tunay P1,000 bill at limang piraso boodle money
Base sa record, si Pascual ay dati nang naaresto matapos makumpiskahan ng ilegal na droga subalit, nakalaya sa pamamagitan ng plea bargaining agreement sa Caloocan Regional Trial Court (RTC) Branch 127 habang si Rosalida ay nakulong dahil din sa ilegal droga ngunit nakalabas matapos makapagpiyansa sa RTC Branch 121. (Richard Mesa)
-
Walang sorpresa sa PBA Draft 1st round
WALANG nakakagulat na hakbang sa first round ng virtual proceedings ng 36th Philippine Basketball Association Draft 2021 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong City kung saan naka-Zoom lang mga aplikante nitong Linggo. Hindi pinalampas ng Terrafirma si Joshua Munzon bilang top pick, No. 2 si Jamie Malonzo ng NorthPort, kinalabit ng North Luzon […]
-
Ads August 9, 2023
-
PBBM, “ON TRACK” para pagaanin ang epekto ng EL NIÑO, naghahanda na sa LA NIÑA phenomenon
PATULOY na ipinatutupad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang El Niño mitigation measures bilang paghahanda sa epekto ng La Niña phenomenon, inaasahan na made-develop sa darating na buwan ng Hunyo ngayong taon. “Government agencies will continue to implement the El Niño action plans and of course, later on, transition into […]