• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P13 milyon halaga ng shabu nasabat sa Caloocan, bebot timbog

MAHIGIT P13 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa 25-anyos na babae na tulak umano ng illegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, Martes ng hapon.

 

 

Kinilala ni Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) Director PBGEN Remus Medina ang naarestong suspek na si Janesa Cabardo Canoy alyas “Jane”, at residente ng 295 Sandico St., Tondo, Manila.

 

 

Sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Special Operation Unit 3(SOU-3), PNP DEG sa pangunguna ni PBGEN Medina, kasama ang PDEA-NCR at Caloocan City Police Sub-Station 12 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Samuel Mina Jr, ng buy bust operation sa Langit Road Corner Crusher Street, Phase 9, Package 7C, Bagong Silang, Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang nasa 2 kilograms ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) P13,600,000.00, brown Louis Vuitton sling bag, light brown pouch na naglalaman ng identification card, cellphone at buy bust money na 15 bundles ng boodle money na may dalawang pirasong tunay na P1,000 bills.

 

 

Nahaharap ang naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Duterte, pinayagan na ang mga private sector na bumili ng COVID-19 vaccines

    Pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pribadong kumpanya na makabili ng COVID-19 vaccine.     Isinabay ng pangulo ang anunsiyong ito sa kanyang national address nitong Lunes ng gabi.     Ayon sa Pangulo na inatasan na niya si Secretary Carlito Galvez na pirmahan ang lahat ng mga dokumento na pinapayagang lahat ng mga […]

  • 2,000 na laptop ipinamahagi ng QC LGU sa mga public school teachers

    IPINAMAHAGI ng QC Local Government Unit ang nasa 2 libong piraso ng brand new laptop sa mga guro sa mga pampublikong paaralan, Day Care Centers at Community Learning Centers sa lungsod.     Layon ng hakbang na ito ay upang matulungan sa kanilang pagtuturo ang mga QC public school teachers.     Ayon sa QC […]

  • Irving papayagan na ring mag-practice sa Brooklyn Nets facility

    Pinayagan na rin ang NBA supertar na si Kyrie Irving na makapag-practice sa kanilang team facility sa Brooklyn.     Gayunman hindi pa rin ito makakapaglaro tulad na lamang sa New York at home games kapag nagsimula na ang season dahil sa hindi pa rin ito nakakapagpabakuna laban sa COVID-19.     Ayon sa team, […]