• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IATF, kasalukuyang naka-monitor sa pagtaas ng Covid -19 sa mga lungsod at lalawigan sa labas ng NCR

KASALUKUYANG naka-monitor ang Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Diseases sa ilang lungsod at lalawigan sa labas ng National Capital Region (NCR) dahil sa pagtaas ng coronavirus (COVID-19) cases na inoobserbahan ngayon sa mga nasabing lugar.

 

 

Ang pahayag na ito ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay bunsod na rin ng expiration sa darating na Enero 31 ng alert levels sa iba’t ibang lugar sa bansa.

 

 

Sa isang panayam, sinabi ni Nograles na kasalukuyang naka-monitor ang IATF sa Calabarzon, Central Luzon, Ilocos Region, at Cordillera Administrative Region (CAR).

 

 

Tinukoy din nito ang mga lugar na gaya ng:

Baguio City

Cebu City

Cebu Province

Lapu-Lapu City

Mandaue City

Iloilo Province

Iloilo City

Bacolod City

Cagayan de Oro City

Davao City

General Santos City

Ormoc City

Naga City

Dagupan City

Western Samar

Tacloban City

Biliran

Zamboanga del Sur

 

 

“While cases in NCR, and in fact some areas in Region IV-A and Region III, are slowing down in terms of the growth rate of COVID-19, we’re seeing higher growth rates in those areas,” ani Nograles.

 

 

Ani Nograles, ang task force, sa pamamagitan ng regional IATFs, ay palaging mino-monitor ang mga bilang kada rehiyon at mahigpit na nakikipag-ugnayan sa local government units (LGUs).

 

 

Upang matugunan ang pagsirit ng COVID-19 cases, sinabi ni Nograles na ang regional IATFs ay inatasan na tiyakin ang pagtaas ng bed capacities at siguruhin na tanging ang severe at critical cases ay nasa ospital.

 

 

“What we want to do is increase the dedicated COVID beds in those areas para hindi mag-breach ng 70 percent ang (so that they will not breach 70 percent in terms of) bed utilization. So we have to increase the number of beds,” ani Nograles.

 

 

“You have to make sure that your isolation facilities are makakatanggap ng mga moderate, mild cases. We’re also beefing up in telemedicine, teleconsult, to prepare yung home isolation,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Aniya, ang isa pang opsyon ay magdeklara ng granular lockdowns at palakasin ang triage o referral system na magdedetermina kung ang pasyente ay kailangan na ilipat sa ospital, isolation facility, o isailalim sa home quarantine.

Other News
  • Mahigit P1 bilyong piso sa educational aid, naipamahagi na

    PUMALO na sa mahigit P1 bilyong piso ang naipamigay ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga  indigent learners.     May kabuuang P1,033,610,800 na education assistance ang naipamahagi sa bansa mula  Agosto  20 hanggang Setyembre  17, 2022.     Tinatayang may 414,482 estudyante ang nakinabang mula sa programa kabilang na ang 136,349 […]

  • Ex-President Estrada patuloy na inoobserbahan ang kalusugan

    Patuloy pa ring inoobserbahan sa pagamutan si dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada dahil sa COVID-19.     Ayon sa anak nitong si Jinggoy Estrada na inilagay sa high flow oxygen support ang dating pangulo at ito ay nasa Intensive Care Unito ng pagamutan.     Nagpasalamat na lamang ang dating senador dahil hindi na kailangan […]

  • Pacquiao nagpahiwatig ng posibleng pag-retiro kasunod nang pagkatalo vs Ugas

    Kasunod ng kanyang unanimous decision loss kay Yordenis Ugas sa kanilang bakbakan kahapon sa T Mobile Arena sa Las Vegas, nagpahiwatig si Manny Pacquiao na posibleng isasabit na niya ang kanyang boxing gloves makalipas ang ilang dekadang pagsabak sa itaas ng lona.     Sa kanilang post fight press conference, sinabi ni Pacquiao na maraming […]