Ikatlong Navotas Commnuity Isolation Facility, binuksan
- Published on November 11, 2020
- by @peoplesbalita
BINUKSAN na nang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pangatlong community isolation facility (CIF) na tuluyan ng mga residenteng may hinihinalang confirmed Coronavirus Disease 2019.
Pinangunahan ni Cong. John Rey Tiangco ang pagpapasinaya, kasama si COVID-19 testing czar Sec. Vince Dizon; DPWH Usec. Roberto Bernardo; MMDA gen- eral manager Jojo Garcia; at DOH- NCR Regional Director Dr. Corazon Flores.
Nagpasalamat naman si Cong. Tiangco sa pambansang pamahalaan sa patuloy na pagtulong nito sa Navotas.
Katuwang ang DPWH, itinayo ng Navotas ang 50 40-footer container vans na may 200 bed-capacity isolation facility sa Navotas Centennial Park na bawat yunit ay may kama, mesa at upuan, banyo at paliguan, airconditioning unit at NavoConnect wi-fi.
Mayroon ding mga CCTV camera ang pasilidad para madaling pagsubaybay sa mga pasyente at upang limitahan ang pisikal na pagbisita ng mga medical staff.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, sa CIF3 tutuloy ang mga close contacts ng COVID-positive patients na sumailalim sa swab testing.
Ang CIF3 ay magsisilbing pansamantalang kanlungan ng mga close contact na naghihintay ng kanilang mga resulta sa test. Nais naming igugol nila ang kanilang quarantine sa pasilidad na ito upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang pamilya o mga nakakasama nila,” paliwanag niya.
Mayroon nang dalawa CIFs ang lungsod, ang Navotas National High School at Navotas Polytechnic College, na tumatanggap ng 210 patients. (Richard Mesa)
-
SIKLISTANG TINUTUKAN NG BARIL, HINIKAYAT NI BELMONTE NA LUMUTANG AT MAGSAMPA NG KASO
NANANAWAGAN si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa siklista na lumutang at magsampa ng kaso sa ginawang pagkasa at panunutok ng baril ng isang retiradong pulis na si Wilfredo Gonzales sa area ng Welcome Rotonda, Quezon City. Kaugnay nito ay inatasan ni Belmonte ang People’s Law Enforcement Board o QC-PLEB na imbestigahan kung […]
-
NCAA desididong magbukas sa Marso 5
DESIDIDO ang NCAA Management Committee na masimulan ang Season 97 ng liga sa Marso 5. Nasa Alert Level 3 ang buong National Capital Region (NCR) hanggang sa pagtatapos ng Enero kaya’t natigil ang lahat ng training ng contact sports kabilang na ang basketball at volleyball. Kaya naman sumulat ang pamunuan ng […]
-
PBBM, hinikayat na ipawalang-bisa ang free tuition law, palawigin ang voucher program
HINIKAYAT ng advocacy group na Foundation for Economic Freedom (FEF) ang administrasyong Marcos na ipawalang-bisa ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, na naglalayong magbigay ng libreng tuition para sa mga state universities at colleges. Sa isang virtual forum kung saan tinalakay ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinan […]