• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“BAWAL ang caroling sa Maynila.”

ITO ang ipinahayag ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ngayong araw kung saan hindi papayagan ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang pangangaroling ngayong Kapaskuhan.

 

Ang naturang pahayag ni Domagoso ay alinsunod sa ipinapatupad na alituntunin ng Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa pinapairal na health protocols upang hindi na kumalat pa ang impeksyon dulot ng COVID-19.

 

Matatandaan na bukod sa pangangaroling ay una nang iniutos ng Alkalde ang “No Christmas Party” sa mga tanggapan o opisina sa pamahalaang lungsod ng Maynila.

 

Ayon kay Domagoso, wala umanong magaganap na Christmas party alinsunod na rin sa naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang Christmas parties dahil sa patuloy na banta ng corona virus disease.

 

Aniya, maituturing umano na “mass gathering” ang Christmas party kaya hangga’t maaari ay huwag munang magdaos ng mga ganitong pagtitipon para na rin sa kaligtasan ng mga dadalo.

 

Bukod aniya sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ay sakop na din sa “No Christmas party” ang mga nasa pribadong sektor.

 

Sa kabila ng pagbabawal sa pangangaroling at Christmas Party, papayagan naman ng lokal na pamahalaang lungsod ang Christmas Bazaar.

 

Ayon kay Domagoso, layon nito na matulungan ang mga negosyanteng Manilenyo at hindi residente ng lungsod na mai-promote ang kanilang mga ibinebentang produkto.

 

Aniya, sinisimulan na nil ani Bureau of Permits Dir. Levi Facundo ang mga lugar at panuntunan para sa gaganaping Christmas bazaars.

 

Maging ang Mall umano sa lungsod ay maaaring magdaos ng bazaar basta’t maipatutupad ang health protocols.

 

Iginiit naman ng Alkalde na dapat maging responsable ang lahat, mula sa mga organizer, mga negosyante at mga taong mamimili ngayong holiday season. (Gene Adsuara)

Other News
  • BULAKENYO FALLEN HEROES

    Binisita nina Gobernador Daniel R. Fernando, Bise Gob. Alexis C. Castro, Punong Bayan ng San Miguel Roderick D. Tiongson, at Special Assistant to the Governor Michael Angelo Lobrin sa Glory to God Funeral Services sa San Miguel, Bulacan ngayong araw ang mga labi ng limang Bulakenyong rescuer na nagbuwis ng kanilang buhay habang gumaganap sa […]

  • Chot dismayado sa pullout ng South Korea

    DISMAYADO  si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes sa biglaang pullout ng South Korea sa FIBA World Cup Qualifiers na sasambulat ngayong araw sa Smart Araneta Coliseum.     Nagdesisyon ang pamunuan ng Korea Basketball Association (KBA) na lumiban sa February window matapos magpositibo ang isa sa 12 players nito sa lineup.     Kaya […]

  • Maraming natutunan sa pagtira sa Paris: HEART, walang balak mag-migrate dahil homebase pa rin ang ‘Pinas

    SA pagtira ni Heart Evangelista sa Paris, marami raw siyang natutunan gawin na hindi raw niya madalas gawin sa Pilipinas.     Kabilang sa mga enjoy siyang gawin sa Paris ay ang magluto, mag-grocery shopping at ang maglaba. Pambawi raw ni Heart tuwing laundry day niya ay ang makita ang magandang view mula sa kanyang […]