DOTr: 47.1 M na pasahero ang sumakay sa EDSA busway
- Published on January 29, 2022
- by @peoplesbalita
NAKAPAGTALA ang Department of Transportation (DOTr) ng 47.1 million na pasahero ang sumakay sa EDSA busway noong nakaraang 2021 na may daily average na 129,000 na katao ang gumamit ng EDSA busway.
“We are happy that many benefited and are continuously benefiting from EDSA busway, especially during this time of pandemic,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.
Ang EDSA Busway na kilala rin na EDSA Carousel ay isang dedicated median bus lane service na isang collaborative na proyekto ng DOTr, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa ilalim ng Service Contracting Program, ang mga public utility vehicles (PUVs) tulad ng EDSA busway ay binabayaran ng pamahalaan based sa per-kilometer na tinatakbo nito kung kaya’t nagbibigay ito ng “Libreng Sakay” para sa mga medical frontliners at essential workers ngayon panahon ng pandemya
Noong nakaraang December, ang DOTr ay nakapagtala ng may pinakamataas na dami ng pasahero na gumamit at sumakay dito na may 7.6 million na katao.
“Based on data of LTFRB, the Edsa Busway also known as EDSA Carousel, consistently recorded more than 2 million commuters for the first three months of 2021: 2 million in January; 2.3 million in February; and 2.4 million in March, while 1.6 million was recorded in April as Metro Manila was placed under modified enhanced community quarantine (MECQ). EDSA Busway’s ridership increased once again in May with 2.6 million commuters,” saad ni Tugade.
Ayon sa DOTr, ang EDSA busway ay konsepto na naaayon sa kagustuhan ng pamahalaan na hindi kumalat ang COVID-19 sapagkat ang paglalakbay sakay dito ay mabilis lamang kung kaya’t nababawasan ang travel time ng isang pasahero at dahil dito mababawasan rin ang panganib na ma expose sa virus.
Dagdag pa ni DOTr assistant secretary Mark Steven Pastor na mula sa dating 2 hanggang 3 oras na travel time noong wala pang pandemya mula sa Mall of Asia sa Pasay patungong Monumento sa Caloocan, sa ngayon ang travel time ay nabawasan na at naging 1 oras na lamang dahil sa EDSA busway.
Samantala, natapos na ang mobile vax drive na tinawag na “We vax As One” na ginawa ng DOTr at MMDA sa Paranaque Integrated Terminal Exchange noong nakaraang Jan. 24-28.
Naglaan ng 500 na doses ng Astra Zeneca vaccine kada araw para sa mga pasahero na sumasakay sa PITX kung saan ito ay bukas para sa mga walk-ins at ang registration ay ginawa on-site na rin.
Sinabi rin ni acting presidential spokesman Karlo Nograles na ang DOTr ay may plano rin na magkaron ng COVID-19 vaccinations sa iba’t ibang estasyon ng rail systems, ports at tollways sa Metro Mlanila.
“The government will continue to explore different methods to make vaccines more accessible to our people,” saad ni Nograles. LASACMAR
-
‘Audio record’ ng Chinese Embassy ukol sa pag-uusap sa WPS, paglabag sa batas ng Pinas
MALINAW na paglabag sa batas ng Pilipinas ang pag-amin ng Chinese Embassy na mayroon itong audio recording ng isang Filipino general na nakikipag-usap sa Chinese diplomat kaugnay sa “new model” agreement sa West Philippine Sea (WPS). “Kung totoo man ito, labag sa international relations at labag sa batas dahil hindi sila nakipag-ugnayan sa […]
-
Legendary Director Ridley Scott Brings to the Big Screen a Spectacle-filled Action Epic in “Napoleon”
Watch Ridley Scott talk about his work in Napoleon in the “Real Filmmaking” vignette, in cinemas November 29. Ridley Scott’s brilliant filmmaking is unmatched. See the acclaimed director’s work on the big screen in Napoleon, starring Academy Award® winner Joaquin Phoenix and Vanessa Kirby (The Crown, Mission Impossible movies), in cinemas November 29. […]
-
‘Roving teachers’ sa mga low COVID-19 risk areas, inirekomenda
IMINUMUNGKAHI ni Sen. Sherwin Gatchalian sa mga pamahalaan na magkaroon ng “roving teachers” sa mga lugar na may mababang COVID-19 transmission risk. Naniniwala ang chairman ng Senate education committee na mas ligtas na pamamaraan ito kaysa buksan ang mga paaralan sa low-risk areas ng 30 percent sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic. […]