‘Roving teachers’ sa mga low COVID-19 risk areas, inirekomenda
- Published on October 8, 2020
- by @peoplesbalita
IMINUMUNGKAHI ni Sen. Sherwin Gatchalian sa mga pamahalaan na magkaroon ng “roving teachers” sa mga lugar na may mababang COVID-19 transmission risk.
Naniniwala ang chairman ng Senate education committee na mas ligtas na pamamaraan ito kaysa buksan ang mga paaralan sa low-risk areas ng 30 percent sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic.
Inirekomenda ni Gatchalian na pumunta ang mga guro sa lugar ng kanilang mga estudyante at bumuo ng maliit na grupo ng lima hanggang 10 mag-aaral.
Hangga’t sa sinusunod ang social distancing, maaring ipatupad ang kanyang rekomendasyon bago matapos ang taon.
Para matiyak naman ang proteksyon ng mga guro, sinabi ni Gatchalian na dapat regular ang COVID-19 testing ng mga ito at libre din ang kanilang treatment.
-
Ads June 21, 2022
-
Kaya sa ‘Pinas na lang sila magho-Holy Week: MICHAEL V., takot na maging biktima uli ng hold-up
MAY dahilan si Michael V. kung bakit mas gusto raw niyang sa Pilipinas na lang sila mag-spend ng Holy Week ng kanyang pamilya. Ayon sa Kapuso comedian, takot daw siyang maging biktima ng hold-up ulit. Hindi naman tinukoy ni Bitoy kung saan naganap ang pangho-hold-up sa kanya, pero nangyari daw iyon […]
-
Malasakit Centers: 6 taon nang nagseserbisyo sa Pilipino
NOONG Pebrero 12, 2018, isang makabuluhang marka sa pangangalaga sa kalusugan ang pinasimulan matapos pasinayaan ang unang Malasakit Center sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City. Pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go na noon ay Special Assistant to the President, ang Malasakit ay isang one-stop shop na nagpabilis sa access […]