• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obiena umatras na sa pagsabak sa Germany dahil sa kulang na ensayo

UMATRAS na si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa pagsali sa Init Indoor Meeting dahil sa kakulangan ng ensayo.

 

 

Sinabi ng kaniyang advisor na si Jim Lafferty na nagdesisyon si Obiena at coach nito na si Vitaly Petrov na hindi lumahok sa nasabing torneo nagaganapin sa Karlsurhe, Germany.

 

 

Wala aniyang problem sa kalusugan ni Obiena lalo na at gumaling na ang kaniyang tuhod mula ng operahan.

 

 

Tanging ang kawalan ng oras ng paghahanda ang nagtulak sa kanila na umatras na lamang.

 

 

Sa kaniyang social media ay humingi ng paumanhin si Obiena sa mga fans na hindi natuloy ang unang torneo na lalahukan sana ngayong taon.

 

 

Magugunitang noong nakaraang mga linggo ay sumailalim ito sa operasyon sa kaliwang tuhod para maayos ang meniscus tear.

 

 

Dahi dito ay posible sa Pebrero na ito magsisimula sa pagsabak na gaganapin sa Berlin.

Other News
  • Nagkaisa Labor Coalition, humiling sa DOLE na imbestigahan ang naganap na aksidente sa construction site sa QC

    PINAIIMBESTIGAHAN ng labor coalition na NAGKAISA sa Department of Labor and Employment ang naganap na insidente habang nasa lugar ng trabaho o worksite kabilang na ang pagkasawi ng isang manggagawa at ikinasugat ng 10 iba pa sa construction site sa Quezon City.     Ang panawagan ay ginawa ni Nagkaisa Chair Sonny Matula kasunod na […]

  • Bishop Blue nagwagi

    PINAGALANDAKAN ni Bishop Blue sa paghinete ni RM Garcia ang bilis sa paspasan upang mapanalunan ang Three-Year-Old & Above Maiden Race nitong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.   Nakiramdam muna ang class A rider at si Bishop Blue sa bandang likuran habang tangan ni Beli Bell ang trangko. Kasabay ni top […]

  • Maraming Pinoy naniniwalang matatapos na ang COVID pandemic ngayong 2022 – SWS survey

    MARAMING  Pinoy naniniwalang matatapos na ang COVID pandemic ngayong 2022 – SWS survey     Mayroong 51 percent sa mga lumahok sa survey ng Social Weather Station (SWS) ang umaasa na matatapos na ang COVID-19 crisis ngayong taong 2022.     Lumabas sa survey na 45 percent ang umaasa na hindi pa matatapos ngayong 2022. […]