• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Siguraduhin na ang ‘sabong’ operations ay susunod sa health protocols- DILG

IPINAG-UTOS ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng local government units (LGUs) na tiyakin na ang pagpapatuloy ng cockpit operations at ang pagbabalik ng tradisyonal na “sabong” sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 o o mas mababa pa ay hindi magiging super spreader events ng Covid-19 at mas nakahahawang Omicron variant.

 

 

“Governors, mayors, and village chiefs must exercise sound judgment, undertake necessary actions, and ensure compliance with health and safety protocols in the management of cockpits and cockfighting activities,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.

 

 

“Kahit nasa Level 2 or 1 na kayo, mahigpit pa rin nating paalala na maging maingat, disiplinado, at alisto sa inyong pagbabalik-operasyon ng sabong. Hindi pa napapanahon upang tayo ay makampante, lalo’t mataas pa ang kaso ng Omicron,” dagdag na pahayag ng Kalihim.

 

 

Nakasaad sa DILG Memorandum Circular 2022-003, pinapayagan nito ang operasyon ng sabong at ang tradisyonal na tupada sa ilalim ng Alert Level 2 o mas mababa pa, dapat ay walang pagtutol mula sa LGU at ang coronavirus disease 2019 health protocols ay mahigpit na obserbahan.

 

 

“The maximum venue capacity for indoor gatherings is 50 percent – all fully vaccinated – as ordered by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging and Infectious Diseases,” ayon sa DILG.

 

 

Ang mga manggagawa at empleyado ay dapat na fully vaccinated.

 

 

Tanging ang technology-based platforms at cashless betting ang pinapayagan upang maiwasan ang pisikal na pagpapalitan ng pera sa kahit na anumang sabog.

 

 

Ang minimum public health standards ay kinabibilangan ng tamang pagsusuot ng face masks, mahigpit na pagpapatupd ng “no mask, no entry” policy, physical distancing ng isang metro at availability ng alcohol/hand sanitizer/disinfecting materials para sa hand hygiene ng mga tumatangkilik or suki, empleyado at mga bisita.

 

 

“We are not yet out of the woods and we do not encourage mass gatherings, which could be super spreader events. Make sure you exercise extra caution before entering a cockpit or participating in cockfighting activities,” ayon kay Año.

 

 

Ang mga local police officers naman ay kailangan na tumulong sa pagmo-monitor at inspeksyon ng cockpit arenas.

 

 

Nagbabala naman ang Kalihim na ang kabiguan na sumunod sa alituntunin o guidelines ay awtomatikong magreresulta ng pagsasara ng sabungan habang ang mga kinauukulang opisyal at empleyado ay mahaharap at aaksyunan sa ilalim ng batas. (Daris Jose)

Other News
  • DOTr: Di na papayagan ang karagdagang motorcycle taxis sa MM

    HINDI na papayagan ang pagkakaroon ng karagdagang motorcycle taxis sa Metro Manila dahil sa pagkakaroon ng negative impact sa lumalalang pagsisikip ng trapiko lalo na kung daragdagan pa ang mga bilang nito.     Kamakailan lamang ay naglabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may 2,000 slots pa ang ibibigay sa bawat […]

  • Online scammers, dumarami ngayong holiday season – SEC

    Naglabas ng babala ang Securities and Exchange Commission (SEC) kaugnay sa lalo pang pagdami ng online scammers ngayong “ber months.”   Ayon kay Atty. Oliver Leonardo, OIC ng enforcement and investor protection department ng SEC, kasabay ng pagdami ng mga lehitimong negosyo, sinasamantala rin ang ganitong panahon ng mga bogus na negosyante.   Karamihan umano […]

  • SC nagbigay na abiso para sa online Bar applications

    NAG-ABISO ngayon ang Supreme Court (SC) sa mga nagnanais na kumuha ng Bar examinations ngayong taon na naglabas na sila ng ” frequently asked questions,” contact number ng help desk at viber channel mula sa Office of the Bar Confidant.   Inilabas ng SC ang link online na pupuntahan ng mga bar applicants kung paano […]