• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Online scammers, dumarami ngayong holiday season – SEC

Naglabas ng babala ang Securities and Exchange Commission (SEC) kaugnay sa lalo pang pagdami ng online scammers ngayong “ber months.”

 

Ayon kay Atty. Oliver Leonardo, OIC ng enforcement and investor protection department ng SEC, kasabay ng pagdami ng mga lehitimong negosyo, sinasamantala rin ang ganitong panahon ng mga bogus na negosyante.

 

Karamihan umano ay sa pamamagitan ng online transactions, dahil hindi gaanong lumalabas ang mga tao.

 

Pakiusap ni Leonardo, gumawa sana ng pormal na reklamo ang mga nabibiktima ng scam, para mahabol ang mga kawatan at hindi na makapambiktima pa.

 

Kwento ng opisyal, madalas na inaabandona na ng mga complainant ang kaso kapag tumatagal na ng ilang buwan, dahil ayaw nang maabala ng mga ito.

 

Sa ganitong sitwasyon, humihina ang bigat ng kaso dahil nawawala ang supporting data at iba pang ebidensya.

 

Abiso pa ng SEC, baka mas dumami ang scammers ngayong holiday season, dahil ugali na ng marami na humabol sa holiday rush. (ARA ROMERO)

Other News
  • Pagbibitiw ni Duque iginiit

    Lumusob noong Miyerkoles ng umaga ang daan-daang healthcare workers na kaanib ng Alliance of Health Workers at Filipino Nurses United (FNU) sa harap ng head office ng Department of Health (DOH) sa Rizal Avenue, Maynila at nanawagan sa pagbibitiw ni Secretary Francisco Duque III.     Pasado 10:00 ng umaga, unang nagtipun-tipon ang mga health […]

  • 11 DRUG PERSONALITIES TIKLO SA BUY BUST SA MALABON, NAVOTAS

    ARESTADO ang sampung hinihinalang drug personalites, kabilang ang dalawang babae matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyon halaga ng droga sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.     Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-11:45 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) […]

  • LeBron, Bronny gumawa ng NBA history

    GUMAWA ng kasaysayan si LeBron James at anak ni­yang si Bronny James, Jr. bilang unang father and son na sabay na naglaro sa isang NBA game.     Nangyari ito sa 114-118 preseason loss ng Los An­geles Lakers sa Phoenix Suns kahapon sa Arcisure Arena.     Ginawa nina James at Bronny ang historic moment […]