LEBRON AT GREEN, NAGBIRUAN NA MAKAKABISITA NA RIN SILA SA WHITE HOUSE
- Published on November 11, 2020
- by @peoplesbalita
MATAPOS makumpirma ang panalo nina Joe Biden at Kamala Harris bilang next president at vice president agad na nangantiyaw si Warriors star Draymond Green.
Sa kantiyang tweeter message ipinaabot niya ang mensahe kay Lakers superstar LeBron James.
Ayon kay Green, sa wakas lahat daw ay makakapunta na rin sa White House.
Kung maalala bago lamang nagkampeon ang Lakers. Huling nakapunta ang isang NBA champion sa White House ay noong panahon ni Obama nang magkampeon ang Cavaliers at nandoon pa si James.
Pero nang umupo na si Trump noong 2016, naputol na ang naturang tradisyon.
Sumagot naman si LeBron kay Green ng “YO we back up in there my G!!!. I’m taking my tequila and vino too.”
Dahil dito umugong tuloy na dapat ding maimbitahan ang dating mga kampeon na Warriors at Raptors.
Samantala, pormal namang uupo sa puwesto sina Biden at Harris sa Jan. 20, 2021.
-
4.5 milyong pasahero dadagsa sa mga terminal, airports sa Undas
AABOT sa 4.5 milyong mga pasahero ang dadagsa sa mga bus terminals, airports at seaport ngayong Undas. Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, nasa 3 milyong pasahero ang dadagsa sa airports at seaports habang nasa 1.5 milyon sa mga bus terminals. Mas mataas ito ng 20 hanggang 30 porsyento sa karaniwang bilang […]
-
P11.6B na performance-based bonus para sa 900K school workers, inilabas – DBM
IPINALABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P11 billion para sa budgetary requirement para sa performance-based bonus (PBB) ng mahigit sa 900,000 personnel sa iba’t ibang public elementary at secondary schools sa ilalim ng Department of Education (DepEd). Sinabi ng DBM na may kabuuang P11.6 billion ang ipinalabas para sa […]
-
British boxer Amir Khan pinababa sa eroplano dahil sa maling pagsuot ng face mask
Pinababa sa eroplano sa US ang British boxer na si Amir Khan. Ayon sa 34-anyos na boksingero, pinababa sila ng mga otoridad ng American Airlines matapos na ireklamo sa kapulisan na hindi nakasuot ng tama ang face mask ng kasamahan nito. Mula sa Newark Airport patungong Dallas-Fort-Worth ang biyahe na naantala […]