• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Patuloy na bina-bash sa pagsuporta kay BBM: Direk PAUL, itinanggi na sinabi niyang okay lang ma-cancel ng minority

ITINANGGI ni Paul Soriano, ang director na mister ni Toni Gonzaga at masasabi sigurong isa sa numerong unong supporter ni Bongbong Marcos na tumatakbo naman ngayon sa pagka-Presidente, na sinabing okay lang sa kanyang ma-cancel ng minority.

 

 

Ni-retweet ni Paul ang lumabas sa isang news na nilinaw niyang wala raw siyang kina-cancel na kahit sino.

 

 

Na kesyo for “unity” raw siya.

 

 

     “There’s no need for me to cancel anyone whether you like me, you love, you hate me. I just wanna get the record straight. I didn’t say that I’m cancelling anyone.

 

 

     “It’s unfortunate what happened online, but I guess it’s part of the society we live in today.”

 

 

      Sa ngayon, kung pagbabasehan namin ang mga comments ng netizens sa stand ni Paul at ng pamilya niya, including Toni and her sister, Alex Gonzaga, oo nga’t marami rin ang dumedepensa sa kanila at natutuwa sa pagiging BBM-Sara supporter nila, mas marami talaga ang tila na-disillusion o nawalan ng paghanga.

 

 

Ilan sa mga comment ng mga netizens, “Give us a break, will ya?! Be square with the people. Hindi kami tanga. Maka-Marcos ka dahil close kayo. Yun yun! Hindi yan dahil unity kuno or whatever insincere message from him! Please lang!”

 

 

      “Salamat sa resibo, Direk! Kakahiya kayo, mga pekeng Kristiyano!”

 

 

      “Make sure na ma-depend niyo yan kay Seve.”

 

 

      ***

 

 

SABI ni Vice Ganda, nag-trending at sunod-sunod daw na mababasa sa online either Ryan Bang then Yeng Constantino.

 

 

Ito nga ‘yung after na mai-open ng dalawa ang naging feelings pala nila noon, 12 years ago sa It’s Showtime.

 

 

Kinamusta ni Vice si Ryan ngayon na tila nakahinga na.

 

 

     “Okay naman ako mommy, siyempre, na-klaro na, e. Kasi, labindalawang taon, gusto ko siyang kausap. Kaya lang, na-awkward kami. Hi, hello lang kami, hanggang ganyan lang.

 

 

      “At least, mas okay na, magaan na ang loob ko. At least, klaro na, ‘di ba? Ako rin mismo sa sarili ko, may natutunan din ako.”

 

 

Pero biniro ni Vice si Ryan at tila tine-threaten na pupuntahan daw ng mister ni Yeng si Ryan at kakausapin ito.

 

 

Sa isang banda, nakarating daw kay Vice na ang daming naka-relate sa kuwento nina Ryan at Yeng. Sa Tiktok daw kasi, nagawan na ng kung ano-anong effets at nalapatan na ng music. Kaya may mga naiyak daw talaga.

 

 

Pero may warning si Vice sa mga nagpapaniwala masyado sa Tiktok. Sey niya, “Nakakatuwa ang Tiktok ha, nakaka-entertain, pero ‘wag kayong masyadong nagpapaniwala sa mga nababasa at napapanood sa Tiktok. 

 

 

      “Hindi reliable ang mga news at mga report. Maraming hindi reliable at report sa Tiktok, okay?”

 

 

***

 

 

MASUSUNDAN na sana at matutupad ang kahilingan ni Gummy, anak ni Bettina Carlos na magkaroon ng kapatid.

 

 

Nabuntis si Bettina sa kanyang mister na si Mikki Eduardo, pero, nagkaroon siya ng miscarriage.

 

 

Ipinost ito ni Bettina sa kanyang Instagram account. Sey niya, “We were pregnant and then no more.”

 

 

      Pero kahit naoperahan si Bettina, hindi niya sinabi kung anong klaseng surgery, pero posibleng D&C (dilation & curettage) o raspa sa tagalog. Kahit na siguradong nandoon ang pain at siyempre, kalungkutan na hindi natuloy ang pagbubuntis niya, mas lumamang pa rin kay Bettina, bilang isang Christian ang pagpapasalamat sa Panginoon.

 

 

Sey niya, “Lord, you were so gracious in giving to us and You are still good even in taking away. Thank you for the fresh hope and new joy you gave us even for a short while. 

 

 

“Thank you for the assurance that one day, in heaven, we will see and be with our child. Thank you for what You give when You take away. What we gain from this loss.”

 

 

Nagpa-abot naman ng comforting words sa kanya ang ilang mga celebrity moms tulad nina Chynna Ortaleza, Danica Sotto, Rica Peralejo, Miriam Quiambao, Andi Manzano at Nikki Gil.

(ROSE GARCIA)

 

Other News
  • Bagong tayong 10 palapag na pampublikong elementary school sa Tondo, binuksan na

    MATAPOS ang dalawang taon na pagpapatayo sa sampung palapag na gusali ng bagong Rosauro Almario Elementery School, pormal na itong isinalin ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila sa principal at mga guro para sa muling pagbubukas nito sa Tondo.     Pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang simbolikong pagbigay ng mga susi sa […]

  • DOT, naabot na ang 80% ng kabuuang target na tourist arrivals sa 2023

    NAABOT na ng Kagawaran ng Turismo ang kabuuang 80% ng target nitong 4.8million na turistang papasok sa Pilipinas para sa kabuuan ng taong 2023.     Ito ay matapos maitala ang hanggang 3.8 million na tourist arrivals sa bansa, mula Enero hanggang Setyembre-19, 2023.       Ayon kay Secretary Christina Frasco, ang halos 4 […]

  • Ads July 20, 2021