• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil hindi alam kung saan dadalhin ang trophy: SHARON na nagwaging Best Actress, wanted sa GEMS Awards

WANTED ng GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students) si Megastar Sharon Cuneta.

 

 

Si Sharon kasi ang best actress winner ng GEMS Awards para sa Revirginized, ang unang Vivamax movie ng aktres.

 

 

Gusto sana nila tanungin si Ate Shawie kung saan nila pwede ihatid ang kanyang trophy.

 

 

Kaso kababalik lang ni Sharon sa Ilocos para sa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano kaya malamang na matatagalan pa ang pagbalik niya sa Manila.

 

 

Anyway, gusto namin batiin si Sharon sa kanyang award and we hope she wins more awards for Revirginized.

 

 

***

 

 

SUSUGAL sa pagpoprodyus si Marc Cubales via the Finding Daddy Blake under MC Productions at 2076 Kolektib.     Siyempre natanong si Marc kung bakit nagdesisyong siyang magprodyus sa alanganing pagkakataon dahil sa kumakalat na virus?

 

 

Sabi ni Marc for the love of the showbiz industry. Ito raw ang magandang panahon para makatulong siya sa film industry workers.

 

 

Saka magiging stress reliever ko ito kasi lately, sobrang stress ako, sa negosyo ko, sa construction at sa iba pa, nagkasabay-sabay. Dito sa pagpo-prodyus ko, para maiba naman ‘di ba, dito, medyo light lang.

 

 

“Oo, maglalabas ka ng pera pero iba ang saya, I feel good pag nasa showbiz industry ka at nakatutulong sa mga nawalan ng trabaho”, katwiran pa ni Marc.

 

 

Natanong din namin siya kung pinag-aralan ba niya nang husto ang pagpoprodyus?

 

 

Aniya, “Oo, bago ko pinasok,  sinigurado ko muna na  okey ang funding ko. Syempre, ayaw ko naman tipirin ang production. Saka, nung mabasa ko ang story at concept, nagandahan ako. A must watch lalo’t nauuso ngayon ang BL serye/movie”.

 

 

Promise ni Marc di niya titipirin ang production.

 

 

Thankful ako kasi well funded and I’m ready. Kaya ng budget at sure na may quality ang film, hindi lang basta-basta pelikula, kapupulutan siya ng aral”.

 

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Ilang palaro maari sa bansa – Jaworski

    KUMPIYANSA si newly-elected International Olympic Committee (IOC) Executive Board Member at Repesentative to the Philippines Mikaela Maria Antonia ‘Mikee’ Cojuangco-Jaworksi na may kakayanan ang bansa na makapagtaguyod ng mas malalaking torneo, malaki pa sa nakaraang Disyembre na matagumpay na 30th Southeast Asian Games PH 2019.   “Hosting a sportsfest far bigger than the SEA Games […]

  • Magla-live na raw ang ‘Eat Bulaga’: TVJ, kino-contest pa rin na makuha ang title ng show

    PINAG-UUSAPAN lalo na nang magpaalam na nga ang TVJ na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa 43 years nilang noontime show na “Eat Bulaga” noong May 31.     Nasundan pa ito ng mass resignation naman ng halos lahat ng host at staff ng show.     Naiwan ang TAPE Incorporated […]

  • Jake Paul inalok sina Smith at Rock ng tig-$15-M para magharap sa boxing ring

    INALOK ni boxing promoter Jake Paul sina Will Smith at Chris Rock na maglaban sa boxing ring.     Kasunod ito sa kontrobersyal na pananampal ni Smith kay Rock sa Oscar’s Award nitong Lunes.     Sinabi ni Paul na mayroon siyang inilaan na $15 milyon sa bawat isa para matuloy lamang ang laban.   […]