Libreng swab testing kaloob ng Quezon City LGU sa bar examinees
- Published on February 4, 2022
- by @peoplesbalita
MAGKAKALOOB ang Quezon City government ng libreng swab testing sa 756 examinees at 350 personnel at volunteers sa isasagawang bar examination ngayong Linggo .
Ayon kay Mayor Joy Belmonte ang hakbang ay bilang pagtiyak na ang mga examinees at iba pang kakasangkapanin sa isasagawang eksaminasyon ay ligtas mula sa exposure at hindi pagmulan ng hawaan ng COVID-19 .
“We have been closely coordinating with the Supreme Court as well as administrators from the University of the Philippines, since the University has been selected as one of the testing sites. We share the same goal with them and that is to ensure the safety of the examinees and the success of the examinations on February 4 and 6,” pahayag ni Belmonte.
Sa ilalim ng kasunduan, ang Supreme Court ang magkakaloob ng test kits habang ang Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU) ang magsasagawa ng rapid antigen testing sa mahigit na 1,100 indibidwal .
Naglaan ang QCESU ng 20 health personnel para sa testing activities kahapon sa bar examinees at ngayong araw (Peb. 3) para sa mga tauhan at volunteers na gagawin sa UP College of Human Kinetics Gymnasium.
Ang sinumang magpositibo sa eksamin ay irerefer para mag home quarantine o sa alinmang HOPE Community Care facilities ng lungsod. Ang ibang departamento ng QC LGU ay tutulong din para umalalay sa swab testing sa bar examinations.
Ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRMMO) at Quezon City Fire District (QCFD) ay naglagay ng tents sa UP Campus at naka standby para tumugon sa anumang emergency.
Ang QC Task Force for Transport and Traffic Management (QCTFTTM) ay mangangasiwa naman sa maayos na daloy ng trapiko papuntang bisinidad ng campus. (Daris Jose)
-
Bukod pa kanyang pagiging Navy reservist: KYLE, very vocal sa pagsasabing papasukin ang pulitika balang-araw
NGAYONG nasa Viva na si Kyle Velino, biglang naiba ang kanyang landas, matapos niyang magpaka-daring noon sa Boy’s Love series na ‘Gameboys’. Sa ‘Martyr Or Murderer’ kasi, ginagampanan niya ang papel ni Greggy Araneta. Bukod dito, very vocal si Kyle sa pagsasabing nais niyang pasukin ang pulitika balang-araw. “Medyo sineseryoso ko po […]
-
KRISTOFFER, ibinahagi ang pinagdaanan ng pamilya dahil COVID-19
NAIKUWENTO ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin ang pinagdaanan ng kanyang pamilya dahil sa sakit na COVID-19. Nagkaroon ng COVID-19 ang kanyang ama, ina at kapatid na lalake. Magkasama silang tatlo na nag-quarantine at nagpagaling sa bahay nila sa Olongapo City, samantalang si Kristoffer ay nasa Manila at siya ang naging tagapagbili ng […]
-
Green muling aasahan ng Warriors
LABAS-masok man sa krusyal na bahagi ng fourth quarter sa panalo ng Golden State Warriors sa Boston Celtics sa Game Four ng NBA Finals noong Sabado ay isa pa rin si Draymond Green sa mga aasahan ni coach Steve Kerr sa Game Five ngayon (Manila time). “Draymond is Draymond. He’s going to bring […]