CHRISTOPHER, magdudugtong sa movie at tv series: All-star cast na ‘Cattleya Killer’ na pagbibidahan ni ARJO, ipinakilala na
- Published on February 4, 2022
- by @peoplesbalita
IPINAKILALA na ng ABS-CBN ang all-star cast ng Cattleya Killer, ang pinakabagong international project ng Kapamilya Network na pagbibidahan ng 2020 Asian Academy Creative Awards Best Actor na si Arjo Atayde.
Makakasama ni Arjo sa thriller-drama series na pang-international release sina Christopher de Leon, Jake Cuenca, Jane Oineza, Ricky Davao, Nonie Buencamino, Ria Atayde, Ketchup Eusebio, Frances Makil, Rafa Siguion-Reyna, Jojit Lorenzo, at Zsa Zsa Padilla.
Ayon sa naging pahayag ng aktor, “It’s such a beautiful cast. I’m so happy to see everyone on board.”
“I don’t need to explain further, but I’m just excited. Remember that I’m just one of the actors for this series and we’re going to do this together.”
Tuwang-tuwa naman si ABS-CBN International Production and Co-Production division head Ruel S. Bayani dahil nakuha nila si Bro. Bo, ang premyadong aktor na naging bahagi ng 1996 Star Cinema movie na Sa Aking Mga Kamay kasama si Aga Muhlach na kung saan in-adopt ang Cattleya Killer.
Pahayag ni RSB, “We’re lucky that Boyet (Christopher) is here to join us dahil to me, wala nang mas inspiring pa to have Boyet on our set. To know na may nagdudugtong from the movie to this series, at sa bagong creative energy natin sa pagku-kwento nito.”
“We’re also joined by the most professional, most talented, and most creative people in the industry,” sabi pa ng executive producer ng Cattleya Killer ay ididirek ni Dan Villegas, at mula sa panulat ni Dodo Dayao.
Magsisimula na ang production nito ngayong Pebrero at nakatakdang nga itong i-release sa international audiences.
Ang Cattleya Killer ang kasunod ng Almost Paradise, ang kauna-unahang American TV series na filmed entirely in the Philippines, na kung saan nakipag-co-produce ang ABS-CBN sa Hollywood’s Electric Entertainment.
(ROHN ROMULO)
-
Pagkatapos na sumabak sa mga sexy flicks: RASH, gusto namang makagawa ng action movie
GIVEN a chance, gusto naman ni Rash Flores na gumawa ng action movie after doing several skinflicks sa Vivamax. Umaasa ang lead actor ng ‘Porn Star 2’ na in the future ay mabibigyan siya ng pagkakataon na sumubok ng ibang genre. Among the movies na ginawa niya, isa sa paborito ay ang ‘Palitan’ […]
-
JANINE, umaming may experience na sa ‘online landian’; Direk JP, may paliwanag sa ending ng ‘Dito at Doon’
NGAYONG na-extend na naman ECQ (enhanced community quarantine) marami na naman ang hindi makalabas ng bahay kaya isa sa paboritong gawing pampalipas ng oras at bugnot ay ang manood ng series o movies sa iba’t-ibang online platform. At isa nga sa ire-recomend namin ay ang Dito at Doon ng TBA Studios na kasalukuyang […]
-
Gymnast Dela Pisa, pararangalan ng SMC-PSA
INSPIRASYON at nakakaluha ang istorya sa nakalipas na 30th Southeast Asian Games PH 2019 ang kikilalanin at may espesyal na parangal sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel sa darating na Biyernes. Siya si women’s gymnastics gold medalist Daniela dela Pisa na makakasama nina tennis phenom at […]