• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valdez masaya sa pagkakasama sa national team

HINDI maitago ni Alyssa Valdez ang saya nito matapos malamang bahagi ito ng national pool na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Mayo sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Matatandaang hindi napasama sa lineup si Valdez noong AVC Asian Championship na ginanap sa Thailand noong nakaraang taon.

 

 

Kaya naman nang ma­laman ang magandang balita, lubos ang kasiyahan ng Creamline Cool Sma­shers team captain na muli itong sasabak kasama ang national team.

 

 

Isa sa mga tunay na nagpapasaya kay Valdez ang maging bahagi ng national team upang katawanin ang bansa sa mga international tournaments.

 

 

“Nung nalaman ko talagang sobrang saya ko dahil mabibigyan na naman ako ng chance na irepresent ang country natin. Kaya sobrang thankful ako,” ani Valdez.

 

 

Maliban kay Valdez, nakabalik din sa listahan si playmaker Jia Morado na isa rin sa mga wala sa lineup sa AVC tournament.

 

 

Galing si Valdez sa matagumpay na journey sa Pinoy Big Brother (PBB) r­eality show kung saan pasok ito sa Top 2 at mabibigyan ng tsansang maging Big Winner.

 

 

Matapos ang kanyang PBB stint, agad na sumalang sa individual workouts si Valdez kasama ang Cool Smashers.

 

 

Pinaghahandaan ng kanilang tropa ang Premier Volleyball League (PVL) Open Conference na sisimulan sa Marso 16 sa isang bubble setup.

Other News
  • Nagpasalamat sa higit na tatlong dekada na magkasama: SHARON, wasak na wasak ang puso sa pagpanaw ng kaibigan na si FANNY

    ILANG araw pagkatapos ng National Election, nadagdagan ang sobrang kalungkutan ni Megastar Sharon Cuneta dahil nagluluksa naman siya sa pagpanaw ng malapit na kaibigan na si Fanny Serrano.     Ramdam na ramdam ang kanyang IG post na may caption na, “Too much heartbreak, in only a matter of days.(kasama ng tatlong black hearts icon)” […]

  • Risk allowance ng 20K health workers mababayaran na

    Nangako si Health Secretary Francisco Duque III na mababayaran na ang P311 Special Risk Allowance ng 20,000 pang healthcare workers.     Sa kanyang pag­harap sa pagdinig ng House Committee on Health, sinabi ni Duque na natukoy na ang nasabing mga healthcare workers at maibibigay na ang SRA ng mga ito ngayong araw.     […]

  • Nanliligaw pa rin pero malapit na raw sagutin DERRICK, inaming si ELLE na ang gusto niyang pakasalan

    IPINAGDIINAN ni Derrick Monasterio na “nanliligaw” pa rin daw ang status niya kay Elle Villanueva, sa kabila ng mukhang sila na naman.     Pero tingin naman daw niya, malapit na siyang sagutin ni Elle. Ang nagulat kami, being known as may pagka-playboy, kay Elle ay gusto na raw niyang ito na ang pakakasalan niya. […]