• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Biden ipinagmalaki ang pagkapatay ng US forces sa lider ng Islamic State sa Syria

IPINAGMALAKI ni US President Joe Biden na napatay ng mga sundalo ng America ang lider ng Islamic State sa Syria.

 

 

Kinumpirma ng isang senior US administration official ang pagkasawi ni Abu Ibrahim al-Hashemi al-Quraishi sa isang operation.

 

 

Umabot rin sa 13 mga katao ang nadamay sa operation na kinabibilangan ng mga babae at mga bata.

 

 

Pinasalamatan ni Biden ang mga sundalong nakipaglaban at ligtas na silang nakabalik sa US matapos ang operations.

 

 

Si Quraishi ang siyang pumalit kay Abu Bakr al-Baghdadi na napatay din ng US noong 2019 na nanguna sa grupo na nagkontrol sa malaking bahagi ng Syria at Iraq.

 

 

Itinuturing naman ni Pentagon Press Secretary John Kirby na ang ginawang raid ng US ay isang halimbawa ng matagumpay na counter-terrorism mission dahil walang nasawing mga miyembro nila.

Other News
  • Ads March 2, 2023

  • Fury napanatili ang WBC world heavyweight belt matapos talunin si Chisora

    Napanatili ni Tyson Fury ang kaniyang WBC world heavyweight title matapos talunin si Derek Chisora.     Hindi hinayaan ng 34-anyos na si Fury na madungisan ang kaniyang unbeaten record sa halos 60,000 katao na nanood sa Tottenham Hotspur Stadium sa London.     Inihinto na ng referee ang laban matapos makita ang 38-anyos na […]

  • Malakanyang, siniguro na may paparating na ayuda para sa mga Filipinong apektado pa rin ng pandemya

    TINIYAK ng Malakanyang na may rekomendasyon na ang Department of Budget and Management (DBM) para mabigyan ng ayuda ang mga Filipinong hanggang ngayon ay hirap pa rin dahil sa pandemya.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, gulong na lang ng papel ang hinihintay sabay panawagan sa mga kinauukulan na huwag mainip.   Sinabi ni […]