Kai Sotto posibleng sa susunod pa na taon makakasama ng Gilas Pilipinas
- Published on February 7, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI makakasama ng Gilias Pilipinas si Kai Sotto sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers na magsisimula sa Pebrero 24.
Ayon kay Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio na mayroong pang mga commitment ang 19-anyos na si Sotto sa Australia kung saan naglalaro ito bilang import ng Adelaide 36ers sa National Basketball League.
Dahil dito ay sa susunod na taon na lamang makakasama ng Gilas si Sotto.
Magiging host kasi ang Pilipinas ng World Cup kasama ang bansang Japan at Indonesia.
Unang naglaro si Sotto noong 2021 FIBA Asia Cup Qualifier kung saan nagtala ito ng 9.3 points, pitong rebounds at 1.3 assists sa tatlong laro.
Kahit na hindi makakasama ang 7-foot-3 player ay mayroong ilang manlalaro ang kasali gaya nina Ange Kouame, Tzaddy Rangel, William Navarro, Jaydee Tungcab, Juan Gomez de Liano at Dwight Ramos.
Makakaharap ng Pilipinas ang South Korea sa Pebrero 24 habang ang India ay sa 25 at New Zealand sa 27 sa Araneta Coliseum.
-
Ginebra coach Tim Cone kinuhang assistant coach ng Heat sa NBA Summer League
ITINUTURING ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone bilang isang hamon ang pagkakapili sa kaniya bilang coaching staff ng Miami Heat sa NBA Summer League. Sinabi ng beteranong coach na inimbitahan siya ng Heat sa summer league game na magsisimula sa Hulyo sa San Francisco at Las Vegas. Magiging bahagi ito […]
-
Dagdag na bagong fire station itatayo sa
MALAPIT nang magkaroon ng karagdagang istasyon ng bumbero ang Navotas City kasunod ng paglagda ng 30-taong usufruct sa pagitan ng pamahalaang lungsod at ng Bureau of Fire Protection (BFP). Sa ilalim ng kasunduan, magagamit ng BFP ang 444-square meter lot sa Brgy. Navotas East para sa iminungkahing Navotas Central Fire Station at iba […]
-
DepEd: Karamihan sa mga magulang, pinili ang modular learning para sa kanilang anak sa pasukan
Papalo sa halos 9-milyong mga magulang ang may gusto sa modular instruction bilang alternatibong learning modality para sa kanilang mga anak para sa darating na pasukan sa Agosto 24. Batay sa resulta ng mga nakalap ng Department of Education (DepEd) na datos mula sa Learner Enrollment and Survey Form (LESF) survey, lumabas na nasa […]