• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GOBYERNO NG PINAS, HIHIRAM NG $300 MILLION PARA BUMILI NG BAKUNA LABAN SA COVID -19

HIHIRAM ang gobyerno ng Pilipinas ng $300 million para bumili ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Martes ng gabi ay sinabi nito na prayoridad ng pamahalaan na mabakunahan ang mga mahihirap at dedma sa Class ABC.

 

“[Finance Secretary Carlos Dominguez III] says that he can borrow money of $300 million plus… Makapamili tayo but I think it would do as well to also realize that unahin talaga nila (vaccine manufacturers), ‘yung mga tao nila,” ayon sa Pangulo.

 

“Sa ngayon, magbili ka. Mahal. As I have promised, gastos ng gobyerno itong bakuna para sa lahat ng Pilipino kaya nga uumpisahan natin sa mga mahihirap pataas. . . . Iyong A,B crowd hindi na tayo mag gastos dyan kasi mga milyonaryo na yan,” diing pahayag nito.

 

Matatandaang, inatasan ni Pangulong Duterte si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na iprayoridad ang mga mahihirap na Pilipino sa mga makakatanggap ng bakuna laban sa COVID-19.

 

Sinabi kasi ni Galvez na ang COVID-19 immunization pro- gram ay magiging patas sa lahat, mayaman man o mahirap.

 

Sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga mahihirap na benepisyaryo sa ilalim ng cash subsidy program ng pamahalaan ang dapat maunang mababakunahan.

 

Katwiran pa ng Pangulo, kaya naman ng mga mayayaman na bumili ng sarili nilang bakuna.

 

Kaugnay nito, iprinisenta ni Galvez kay Pangulong Duterte ang ‘Philippine National Vaccine Roadmap’ kung saan magiging time-based at objective-based.

 

Bago ito, sinabi ni Pangulong Duterte na tanging si Galvez lamang ang awtorisadong opisyal para makikipagnegosasyon para vaccine supply ng bansa.

 

Nais din ng Pangulo na dumaan ang pagbili ng bakuna sa ilalim ng government-to-government arrangement. (Daris Jose)

Other News
  • Maglive-in partner na tulak isinelda sa higit P.1M shabu sa Malabon

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng maglive-in partner na tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina Robert Rivera, […]

  • Bilang ka-partner ni Wilbert sa digi-series: TikToker na si YUKII, nabigyan ng big break sa ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’

    PATULOY na nagwawagi ang Puregold sa sektor ng retailtainment, dahil nakaabang ang mga manonood sa bansa sa pinakabago nitong digital series na Ang Lalaki sa Likod ng Profile.   Tampok sa kapana-panabik na serye ang 21-taong gulang na Tiktok sensation na si Yukii Takahashi, na gumaganap na Angge, ang bidang babae.   Nagsimulang lumikha ng […]

  • LOVI, hesitant noong una pero dahil kakaiba at ‘acting piece’ kaya tinanggap ang ‘The Other Wife’

    MARAMI na tayong nasaksihan na mga pelikula tungkol sa pagtataksil pero magbabago ang pagtingin ng viewers sa ‘baliw na pag-ibig’ sa latest offering ng VIVA Films, ang The Other Wife.     Muli itong pagtatambalan ng award-winning actors na sina Lovi Poe at Joem Bascon, kasama ang versatile actress na si Rhen Escaño.     Iikot […]