‘Byahe ni Kiko’ umarangkada, solusyon sa gutom at mataas na presyo ng pagkain
- Published on February 8, 2022
- by @peoplesbalita
UMARANGKADA na noong linggo ang “Byahe ni Kiko: Hello Pagkain, Goodbye Gutom” caravan ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan, kung saan bitbit nila ang seguridad sa pagkain ng mga Pilipino bilang mahalagang isyu sa halalan sa Mayo.
Sa pagtakbo niya bilang bise presidente, iginiit ni Pangilinan na ang isyu ng pagkain ay dapat nasa plato ng bawat kandidato, at hindi dapat ituring na simpleng kuwento dahil mahigit kalahati ng populasyon ay apektado nito.
Bilang isang magsasaka, sinabi ni Pangilinan na ang eleksiyon ay hindi lang dapat nakatuon sa mga kandidato kundi pati na rin sa kanilang agenda at sa direksiyon kung saan nila dadalhin ang bansa.
Dadalhin si Pangilinan ng Byahe ni Kiko van sa mga siyudad at lalawigan sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang makipagpulong at makinig sa iba’t ibang sektor, kabilang ang mga magsasaka, mangingisda, estudyante, micro at small entrepreneurs, professionals, at manggagawa.
Sinabi ng kandidato sa pagkabise presidente na dapat pakinggan ang boses ng mga sektor dahil magiging mahalagang bahagi sila ng solusyon sa kanilang mga problema.
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 2) Story by Geraldine Monzon
SA APARTMENT ni Madam Lucia. Ilang mahihinang katok ang nagpalingon sa kanya sa pintuan. Humugot muna siya ng malalim na paghinga bago binuksan ang pinto. Bumungad ang dalaga niyang apo na si Cecilia. “Cecilia, paano mo nalamang dito na ako nakatira?” “Una sa lahat, Cecille, hindi Cecilia. Pangalawa, alam mo namang […]
-
KAILANGAN ang MALINAW na POLISIYA sa PAGSUOT ng FACE SHIELD sa PUBLIC TRANSPORT!
Ordinansa ng mga LGU na nagmumulta o nagpapataw ng parusa sa walang faceshield. Kailangan ba? Nabuksan ulit ang issue ng mandatory na pagsusuot ng faceshield nang mag-viral ang panghuhuli ng ilang enforcers sa mga pasahero ng bus kung saan ay pinababa ang mga pasahero at minultahan ang mga ito base sa isang ordinansa. […]
-
2 construction workers, bebot timbog sa Valenzuela buy bust
TATLONG hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang 41-anyos na bebot ang nasakote sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng umaga. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Penones Jr, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destutra Jr na alas-10:30 ng umaga nang magsagawa […]