• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Diaz PSA Athlete of the Year uli

WALA nang iba pang dapat gawaran ng 2021 Athlete of the Year award kundi si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz.

 

 

Igagawad kay Diaz ang nasabing para-ngal sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night sa Marso 14 sa grand ballroom ng Diamond Hotel.

 

 

Binuhat ng Pinay weightlifter ang kauna-unahang Olympic gold ng bansa matapos magreyna sa women’s 55 kilogram division at nagposte ng mga bagong Olympic records sa Tokyo Games.

 

 

Tinapos ng 30-anyos na si Diaz ang 97-taong pagkauhaw ng bansa para sa kauna-una-hang gintong medalya sa quadrennial event.

 

 

“Hidilyn Diaz winning the country’s first ever Olympic gold medal was definitely the highpoint of what had been a truly memorable year for Philippine sports,” ani PSA president at Tempo sports editor Rey C. Lachica. “The PSA was unanimous in its choice of Hidilyn as our Athlete of the Year for 2021.”

 

 

Nagtala si Diaz ng mga bagong Olympic mark na 127kg sa clean and jerk at 224kg sa total lift para talunin si Chinese record holder Liao Qiuyun sa finals.

 

 

Ang panalo ni Diaz ang naging inspirasyon nina national boxers Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial para sumuntok ng dalawang silver at isang bronze medal sa Tokyo Games.

 

 

Ang tubong Zamboanga City ang ikalawang Filipino athlete na nanalo ng dalawang Olympic medals matapos si swimmer Teofilo Yldefonso (dalawang bronze medals).

 

 

Ito ang ikatlong PSA Athlete of the Year trophy ni Diaz matapos noong 2016 kung saan siya nag-uwi ng Olympic silver medal mula sa Rio de Janeiro, Brazil at noong 2018 kasama sina golfers Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go at skateboarder Margielyn Didal dahil sa kanilang apat na gold medals sa Asian Games sa Indonesia.

 

 

Pamumunuan ni Diaz ang listahan ng mga top achievers noong nakalipas na taon na gagawaran ng parangal sa event na suportado ng mga major backers na Phi-lippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC) at Cignal TV.

 

 

Ang annual awards night ay inihahandog ng Milo, 1Pacman, Philippine Basketball Association (PBA), Rain or Shine, ICTSI, Chooks To Go, Smart, Philippine Racing Commission (Philracom) at ng MVP Sports Foundation (MVPSF)

Other News
  • Habang wala pang bakuna ang DOH: Halamang gamot vs pertussis, itinulak

    ITINUTULAK ni Sen. Francis “Tol” Tolentino ang paggamit ng herbal medicine para labanan ang pertussis outbreak sa ilang bahagi ng bansa, habang hinihintay ng Department of Health (DOH) ang pagdating ng anti-pertussis pentavalent vaccine.     Noong Martes, inirekomenda ni Tolentino ang paggamit ng lagundi, isang halamang gamot sa ubo at sipon, na sagana sa […]

  • Ads May 28, 2022

  • Maharlika Investment Fund bill nais pasertipikahang ‘urgent’ kay PBBM

    NAIS  ni House ­Speaker Martin Romualdez na sertipikahang urgent ni ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isinusulong na Maharlika Investment Fund (MIF) bill.     Ayon kay Romualdez, kung siya ang tatanungin ay mas mainam na masertipikahang urgent ang MIF upang agad rin itong mapagtibay sa Kongreso.     Inihayag ni Romualdez na patuloy na dumarami […]