• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinatigil ang project na ipo-produce at idi-direk: CHANNING TATUM, na-depress nang ‘di natuloy ang pagbibidahang Marvel film na ‘Gambit’

NAGPAPASALAMAT ang Prima Donnas star na si Sofia Pablo sa kanyang ka-loveteam na si Allen Ansay dahil naging acting coach niya ito sa ginawa nilang music video na “Everybody Hurts” na inawit nila Julie Anne San Jose at Christian Bautista.

 

 

For the first time daw ay naging serious sila ni Allen sa paggawa ng music video. Nasanay daw kasi sila na puro patawa ang ginagawa nila sa TikTok at YouTube.

 

 

“With ‘Everybody Hurts’ music video, super different nito sa mga ginagawa namin, like nakikita naman ng mga tao sa YouTube namin na ang ginagawa namin ay puro pranks. Mahilig kami na mang-trip.

 

 

And parang never pa kami nakikita na too much on the serious side kasi nga parehas po kaming makulit. So noong nalaman po namin na kami ‘yong stars ng “Everybody Hurts” music video, medyo nabigla kami,” sey ni Sofia.

 

 

Nagtiwala raw si Sofia kay Allen dahil ramdam niya na seryoso ito pagdating sa trabaho nila. Kung ano raw ang mga alam nito at sine-share niya kay Sofia.

 

 

Dagdag ni Sofia; “So tinulungan ako ni Allen, para siyang naging acting coach ko. And then sinasabi niya, ‘Huwag ka nang matawa para mas maganda ‘yong magawa natin. Kasi kapag inisip mong natatawa ka, hindi na natin ‘to magagawa.’

 

 

So happy po ako na siya ‘yong nabigay na love team sa akin kasi masaya siyang kasama off-cam at professional din siyang katrabaho on-cam.”

 

 

***

 

 

NAKARAMDAM ng separation anxiety o sepanx sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa pagtatapos ng teleserye na I Left My Heart in Sorsogon.

 

 

Nagpasalamat naman si Kyline sa ipinakitang pasensya sa kanya ni Mavy habang nasa lock-in taping sila.

 

 

Ayon sa MavLine tandem, pamilya na kasi ang turing nila sa cast and crew ng naturang teleserye.

 

 

“Nami-miss ko ‘yung feeling na ito ‘yung first serye ko. ‘Yung pagtapak sa set, alam mo, shucks ito ‘yung first show ko ever,” sey ni Mavy.

 

 

Sey naman ni Kyline: “Ang mami-miss ko po talaga, bonding namin. And the food, yes, that’s expected. Pero ‘yung bonding talaga namin iba’t ibang klase po talaga. Makikita niyo po talaga on screen kung gaano kami ka-close off cam.”

 

 

Hindi nabigo sina Mavy at Kyline na magpakilig hindi lang sa series, kundi pati na rin sa kanilang sweet posts sa social media.

 

 

“Siguro ‘yung nakita ko kay Mavy, ang haba ng patience niya, as in, especially to me. He took care of me sa lahat ng phases ko roon sa paggawa namin ng show,” sey ni Kyline.

 

 

“Besides the journey between Sebastian and Tiffany, there’s also a journey going on outside of the show between Kyline and I.

 

 

So it was very memorable experience and very nurturing experience. I’d go back to the very first day and go through it all again, and I wouldn’t choose to do it with anyone else but Kyline,” diin pa ni Mavy.

 

 

***

 

 

NA-DEPRESS ang aktor na si Channing Tatum nang hindi na matuloy ang dapat na pagbibidahan niyang Marvel film na Gambit.

 

 

Dahil dito ay iniwasan ni Channing na manood ng kahit anong Marvel movie.

 

 

Noong 2016 pa dapat nagawa ang pelikulang Gambit, na isa sa characters ng X-Men. Si Channing dapat ang mag-produce at ang magdirek ng project kasama ang business partner niyang si Reid Carolin. 

 

 

Mag-shoot na raw sana sila ng cast sa New Orleans nang bigla raw silang pigilan ng Marvel Studio.

 

 

“The studio really didn’t want us to direct it. They wanted anybody but us, essentially, because we had never directed anything. Once Gambit went away, I was so traumatized.

 

 

“I shut off my Marvel machine. I haven’t been able to see any of the movies. I loved that character. It was just too sad. It was like losing a friend because I was so ready to play Gambit,” panghihinayang ni Channing.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • KAPISTAHAN NG STO. NIÑO SA MAYNILA, NAGING MATAGUMPAY AT MAPAYAPA

    SA kabuuan,  naging mapayapa ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo at Pandacan bunsod na rin sa maagang paghahanda ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamumuno ni Mayor Isko Moreno Domagoso katuwang ang buong kapulisan ng Manila Police District (MPD).   Pinasalamatan naman ni Domagoso ang publiko partikular na ang mga […]

  • 10 kilo ng marijuana huli ng PDEA sa terminal ng bus sa Kyusi

    ARESTADO ang isang lalaki matapos na kunin nito ang pinadalang sa kanya na package sa isang terminal ng bus sa Cubao Q.C. Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang naaretsong lalake na si Karlo Jose Pio Ricafrente tubong Albay pero naninirahan ngayon sa Maynila.   Ayon sa PDEA matagal na nila isinailalaim sa surveillane […]

  • Malakanyang, pinanindigan na ‘equally effective’ ang lahat ng bakuna laban sa Covid-19 sa bansa

    PINANINDIGAN ng Malakanyang na ‘equally effective’ ang lahat ng bakuna laban sa lahat ng variants ng coronavirus sa bansa.   Kabilang na rito, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang Chinese vaccine Sinovac, na lumabas na pabago-bago sa findings ng Food and Drug Administration (FDA).   Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay sa […]