• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Social amelioration programs ng DSWD pinapa-excempt sa spending ban sa halalan

ITINUTULAK ni House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda na gawing exempted ang lahat ng emergency financial assistance programs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa spending ban dahil sa eleksyon.

 

 

Sa kanyang liham kay DSWD Sec. Rolando Bautista, hiniling ni Salceda na i-petition nito sa Comelec na gawing exempted ang lahat ng aid transactions ng kagawaran mula sa prohibition sa ilalim ng Comelec Resolution 10747.

 

 

Kakaiba aniya ang panahon ngayon akay hindi kakayanin ng bansa kung bumagal ang pagbibigay ng emergency at crisis aid, partikular na ang Assistance for Individuals in Crisis Situation, pati na rin ang 4Ps at iba pang social amelioration programs.

 

 

Kung magaroon kasi aniya nang delay sa mga ito ay tiyak na babagal din ang recovery ng bansa mula sa epekto ng pandemya.

 

 

Nakasaad sa Resolution 10747 ng poll body na ang DSWD at iba pang kagawaran ng pamahalaan na may kaparehong function ay sakop ng public spending ban mula Marso hanggang Mayo 2022.

 

 

Pero ayon kay Salceda, mayroon namang exemption clause ang naturang prohibition, na maaring magpahintulot sa disbursement ng mga pondo sa mga social amelioration programs upang sa gayon ang implementation ng mga ito ay hindi maudlot.

Other News
  • Ads July 2, 2021

  • FIFA inanunsiyo ang bagong bola na gagamitin sa semis at finals matches

    KASABAY  din ng pagsisimula ng semifinals ay inanunsiyo ng FIFA ang bagong bola na gagamitin para sa semifinals at finals matchs.     Ang bola na na tinawag na “Al Hilm” ay siyang official match ball na gagamitin.     Ang salitang “Al Hilm” o ang ibig sabihin ay “The Dream” ay siyang papalit sa […]

  • Ilang kaibigang medical workers ni Sec. Roque, naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19

    KUMBINSIDO ang Malakanyang na kailangan na mabakunahan na ang lahat ng mga Filipino laban sa Covid-19.   Ito’y kasunod ng naibahaging balita ng isang kaibigan ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nasa medical field at sumalang na sa vaccination program ng pamahalaan.   Aniya, nakatanggap siya ng text kamakailan mula kay Dra. Menguita Padilla na […]