DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 28) Story by Geraldine Monzon
- Published on February 11, 2022
- by @peoplesbalita
SA MAPAGKALINGANG kandungan ni Lola Corazon, sa gitna ng mga magaganda at namumukadkad na mga bulaklak ng hardin, ay namaalam si Janine.
Sa Bela’s restaurant. Nabitawan ni Angela ang basong hawak niya at nabasag.
“Diyos ko…sana naman ay wala itong masamang ibig sabihin.” Naisip niya.
Dadamputin sana niya ang basag na baso nang pigilan siya ng isa sa kanyang mga staff.
“Ma’am, ako na po.” anang waiter na si Jared.
“S-salamat Jared.”
Biglang tumunog ang cellphone ni Angela.
“Lola Corazon?”
“Tawagan mo si Bernard at umuwi na kayo…si Janine…”
“Lola, ano pong nangyari kay Janine?” kumakabog ang dibdib na tanong ni Angela.
“Ang bilin niya, palagi raw tayong ngumiti…”
Naintindihan na iyon ni Angela.
“Lola…” hindi na niya napigilan ang umiyak.
Napatingin sa kanya ang mga staffs ng restaurant. Lahat ay nasa mukha ang pakikisimpatya sa kung anuman ang dahilan ng kanyang pagluha.
Natigilan si Bernard nang matanggap ang tawag ng asawa. Napaupo siya sa swivel chair sapo ang kanyang noo habang nakatuon ang dalawang siko sa mesa.
“Janine, bakit ngayon pa, kung kailan napamahal ka na sa amin…kung kailan naging masaya na ulit si Angela sa pagkakaroon ng panibagong anak na tulad mo?” isip ni Bernard.
Hindi naman makapaniwala si Regine na sa morgue na niya aabutan ang anak.
“NO, NO, THIS IS NOT TRUE!” pasugod niyang nilapitan si Janine.
“JANINE!” niyakap niya ito nang mahigpit.
“Janine, not now please, not now, I thought na kasama lang ito sa mga plano natin, bakit hindi mo sinabing totoo na palang may sakit ka?” umiiyak pa niyang sabi.
Sunday.
Masayang masaya si Andrea sa kauna-unahang pagkakataon na makikita niya si Janine. Paikot-ikot pa siya sa harap ng malaking salamin habang isinasayaw ang kanyang saya bago tuluyang umalis.
“Hello Janine, Andrea is coming!”
Si Mang Delfin ang naabutan niya na naglilinis ng kotse. Pinagbuksan siya nito ng gate.
“Anong kailangan mo miss?” tanong ni Mang Delfin.
“Ako po si Andrea. Matalik na kaibigan ni Janine Mondezo. Ito po ang ibinigay niya sa aking address, andyan po ba siya?” nakangiting tanong ng dalaga.
“Huh? Eh…”
“Sige na naman po manong, pakisabi sa kanya nandito na po ako.”
“E, pero…”
“Maghihintay lang po ako rito, hindi po ako papasok promise hangga’t hindi nyo po ako pinapapasok!”
“E, miss, ano kasi, si Janine nasa chapel na siya.”
Natigilan si Andrea.
“S-sa chapel po? S-sino pong pinuntahan niya ro’n, ang sabi niya dito ko siya puntahan eh?”
Nilapitan ni Mang Delfin ang dalaga at saka malungkot na sinabi…
“Ang kaibigan mong si Janine, wala na siya, nasa chapel na siya ngayon kung saan nakalagak ang kanyang mga labi .Wala na siya hija, kahapon pa…”
Natigalgal si Andrea.
“M-manong, huwag naman po kayong magbiro ng ganyan…”
“Mukha ba akong nagbibiro hija? Sandali, dito ka lang at isusulat ko ang address ng chapel. Doon ka na lamang pumunta.”
Agad inayos ng mag-asawang Bernard at Angela ang burol ni Janine. Pumayag si Regine na sila na ang mamahala rito. Basta mananatili lang siya sa tabi ng kabaong nito. Wala siyang ibang gustong gawin kundi masdan at bantayan sa huling sandali ang kanyang anak.
Marahan ang mga hakbang na nilapitan ni Angela ang labi ng dalaga. Nakaalalay sa kanya si Bernard. Nanginginig ang kamay na hinaplos niya ang coffin ng dalaga.
“Janine…Janine…” pakiramdam ni Angela ay nawalan ulit siya ng anak. Muli niyang naramdaman ang sakit at pait na dulot ng pagkawala ni Bela. Parang hindi na niya makakaya pa. Ang luha sa mga mata ay nag-unahan sa pag-agos sa kanyang pisngi.
“Angela, sweetheart…alam ni Janine kung anong lugar niya sa puso natin. Alam na niya kung gaano natin siya kamahal. Kaya huwag na nating pabigatin ang paglalakbay niya. Tanggapin natin ng maluwag sa puso ang kanyang pamamaalam…”
“Paano ko matatanggap ng ganoon kadali Bernard, paano?”
“Bernard, hindi ba natin deserve magkaroon ng anak? Bakit palagi na lang tayong pinagkakaitan?”
Isang mahigpit na yakap ang itinugon ni Bernard. Dahil hindi rin niya alam kung ano ang sagot at tamang salita para mapaluwag ang damdamin ni Angela. Kung meron mang nakakaintindi sa damdamin nito ay siya dapat ‘yon.
Pinuntahan ni Andrea ang chapel na isinulat ni Mang Delfin sa kapirasong papel. Pero hindi siya pumasok. Nanatili lamang siyang nakatayo sa tabi ng isang puno ng mangga di kalayuan doon. Mula roon ay tanaw niya ang malaking larawan ni Janine sa may pintuan. Isang katibayan na naroon nga ang kanyang kaibigan.
Gustuhin man niyang humakbang papasok sa loob ay ayaw kumilos ng kanyang mga paa. Napipigilan ito ng bigat ng kanyang damdamin.
“Janine hindi ko kaya…hindi ko kayang makita ka sa kauna-unahang pagkakataon…sa ganyang kalagayan…ang daya mo Janine, ang daya mo…sabi mo magkikita na tayo at pareho tayong ngingiti…paano ako makakangiti ngayon…hindi ko kaya…hindi ko kaya Janine, patawad…”
Unti-unting pumatak ang ulan. Pero hindi iyon alintana ni Andrea na nanatiling nakasandal sa puno habang nakatanaw sa chapel.
Nanginginig na binitawan niya ang kanyang bag at saka naupo. Hinayaan niyang sabay na umagos sa kanyang pisngi ang ulan at luhang kanina pa pinipigilan.
Ang mahinang ulan ay nagsimula nang lumakas. Subalit hindi pa rin niyon natinag ang dalaga. Pakiramdam niya ay may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib.
“Janine…” mahina niyang bigkas habang patuloy ang pag-agos ng luha.
Nagulat siya nang may payong na tumakip sa kanyang ulunan. Tumingala siya at nakita ang nakangiting mukha ng isang lalaki. Marahan at magalang siya nitong itinayo saka inabutan ng asul na panyo.
(ITUTULOY)
-
Ads June 15, 2024
-
Mukhang open na pag-usapan ang lovelife… JULIE ANNE, inamin na matagal sa silang close ni RAYVER at comfortable kasama
MUKHANG open na si Kapuso Limitless Actress Julie Anne San Jose, na pag-usapan ang tungkol sa lovelife. Yesterday, sa noontime show ng GMA-7 na “All-Out Sundays,” na summer vacation na ang topic, naitanong ni Alden Richards sa mga kasama niyang sina Julie Anne, Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez at Barbie […]
-
Gobyernong PBBM, may plano sa mga retailers na apektado ng rice price ceiling
MAY plano ang gobyerno sa mga rice retailers na labis na maaapektuhan ng price ceiling sa nasabing paninda. Bago lumipad patungong Jakarta, Indonesia para magpartisipa sa 43rd ASEAN Summit, pinangunahan muna ni Pangulong Marcos ang isang pagpupulong kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan sa State Dining Room sa Palasyo ng Malakanyang. […]