Sen. Win, Bistek laglag sa senatorial lineup ng Lacson-Sotto tandem
- Published on February 12, 2022
- by @peoplesbalita
NILILINIS na nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III ang kanilang senatorial line up para sa darating na eleksyon.
Sa isang tweet sinabi ni Lacson na tanggal na sa line-up si Sen. Win Gatchalian at dating QC Mayor Herbert Bautista na may iba na umanong piniling suportahan na prinisipyo at adbokasiya.
Si Gatchalian at Bautista ay kasapi ng Nationalist Peoples Coalition kung saan si Sotto ang national chairman na hindi dumalo sa proclamation ng Lacson-Sotto Tandem sa Cavite, subalit present naman sa kandidatura ng Marcos-Duterte tandem sa Bulacan.
Sinabi naman ni Sotto na inaalam pa nila kung kapanalig pa nila sila Sen. Richard Gordon at dating Vice-President Jejomar Binay na kapwa wala sa kanilang rally.
Sa ngayon ang kanilang ini-endorso ay sina Senators Joel Villanueva, Migz Zubiri; dating senators Loren Legarda at JV Ejercito, Gringo Honasan at Chiz Escudero.
Gayundin sina dating PNP Chief Guillermo Eleazar, dating Congressman Monsour Del Rosario, Dra. Nikita Padilla, Raffy Tulfo at dating Agriculture Secretary Manny Piñol.
Nauna nang sinabi ni Sotto na mayroon silang usapan na pwedeng makasama sa kanilang senatorial line-up basta wala silang hayagang i-eendorso sa pagkapangulo at pangawalang pangulo.
Sinabi naman ni Gatchalian na nirerespeto niya ang desisyon ng tambalang Lacson at Sotto at bagamat wala siya sa line up ng dalawa ay mataas pa rin ang respeto niya sa dalawa. (Daris Jose)
-
Pagbili ng submarine, nananatili pa ring bahagi ng plano ng Pinas- PBBM
NANANATILI pa ring bahagi ng plano ng Pilipinas ang pagbili ng submarine matapos ang development ng anti-submarine capabilitie nito. Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagbili ng submarine ay ” still part of our plan,” sa isang ambush interview sa isinagawang pagdiriwang ng ika-125 taong anibersaryo ng Philippine Navy (PN). […]
-
Supporters nina VP LENI at Sen. KIKO, nananawagan na idagdag si MONSOUR sa ‘Tropang Angat’ senatorial slate
NANANAWAGAN ang supporters nina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa Twitter at iba pang social media channels na ipalit si Monsour Del Rosario sa nabakanteng ika-12 puwesto, dahil sa pagkatanggal kay Migz Zuburi sa opisyal na senatorial slate. Si Del Rosario ay miyembro ng ‘Partido Reporma’, ngunit kamakailan ay napukaw niya […]
-
DSWD may P581-M standby funds pa
Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mayroon pa itong mahigit P581-million standby at stockpile funds para ipangdagdag sa resources ng mga lokal na pamahalaan na labis na naapektuhan ng coronavirus disease pandemic. Ayon kay DSWD Secretary Rolando Joselito D. Bautista na mayroong sapat na resources ang ahensya para tulungan […]