• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, pasok bilang 10th Most Competitive Province

LUNGSOD NG MALOLOS- Isa na namang parangal ang nadagdag sa Lalawigan ng Bulacan sa ilalim ng pamumuno ni Gob. Daniel R. Fernando sa pagkakamit ng lalawigan sa ika-10 pwesto bilang Most Competitive Province na iginawad ng Department of Trade and Industry (DTI) at Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) noong Enero 31, 2022.

 

 

Ang nasabing pagkilala ang pangatlong sunod na taon para sa lalawigan na nakuha ang ikawalong pwesto noong 2020 at ikasiyam na pwesto noong 2019.

 

 

Malaking pagsulong ito sa Bulacan na nasa ika-49 pwesto noong 2018, ika-48 noong 2017, ika-24 noong 2016, at ika-44 noong 2015. Pinatutunayan din nito ang epektibong istratehiya sa ekonomiya ng Bulacan sa ilalim ng administrasyon ni Fernando.

 

 

Higit pa sa pagkilala, naniniwala ang gobernador na maaaring masukat ang tagumpay ng pagiging palaban ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng kasiyahan na natatanggap ng mga Bulakenyo sa mga programa, plano at proyekto para sa mga tao.

 

 

“Ipinapakita po sa nakamit nating ito na tagumpay ang ating lalawigan sa pangangalaga sa ating ekonomiya kabilang na diyan ang mga maliliit na negosyo at pagbibigay ng oportunidad na makapagtrabaho. Pinilay man ng pandemya ang ating ekonomiya, hudyat ang pagkilalang ito ng unti-unting pagbangon ng ating lalawigan,” ani Fernando.

Other News
  • ‘Molnupiravir’ posibleng maging available na sa PH next month

    Posibleng maging available na sa Pilipinas sa susunod na buwan ang kauna-unahang oral anti-viral drug na Molnupiravir na napatunayang napapababa ng 50% ang panganib na maospital o pagkamatay mula sa COVID-19 variants.     Sa oras na makapagsumite na ng compassionate special permit (CSP) at aprubahan ng Philippine Food and Drug Administration ang Molnupiravir, ipapamahagi […]

  • Number 16 ni Paul Gasol, retirado na

    Tuluyan ng niretiro ng Los Angeles Lakers ang jersey number ni retired player Pau Gasol.   Isinagawa ang isang seremonya sa Crypto.com Arena sa halftime sa laban ng Lakers kontra Memphis Grizzles.   Dito ay ipinakita ng Lakers ang number 16 na jersey ni Gasol at niretiro na nila katabi ang jersey number 24 ng […]

  • SUNDALO INALOK NG SHABU, VENDOR KULONG

    SWAK sa kalaboso ang isang fruit vendor dahil sa halip na prutas ay shabu ang inalok niya sa isang sundalo na noon ay nakasuot damit pang sibilyan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 11 under Article II of RA 9165 ang naarestong suspek na kinilalang si Arsenio […]