12 drug suspetcs timbog sa buy bust sa Caloocan, Malabon, Valenzuela at Navotas
- Published on February 12, 2022
- by @peoplesbalita
ARESTADO ang labing dalawang hinihinalang drug personalities sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan, Malabon at Valenzuela at Navotas Cities.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, alas-4:15 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Deo Cabildo ng buy bust operation sa Pili St., Brgy., 178 na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang High Value Individual (HVI) na sina Rommel Bobiles alyas “Dyosa”, 33 at Michael Ayuson, 38.
Nakumpiska sa kanila ang tinatayang nasa 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P340, 000.00 at buy bust money na isang P500 bill at 40 pirasong P1,000 boodle money.
Dakong alas-3:25 naman ng madaling nang masakote ng mga operatiba ng Malabon Police SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Albert Barot sa buy bust operation sa P. Aquino Avenue, harap ng Paradise Village Brgy. Tonsuya sina JC Christopher Dagoy, 35, Sarah Jane Malate, 31, at Alfredo Cruz Jr, 32.
Narekober sa mga suspek ang tinatayang nasa 18 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price Php122, 400.00 at P500 marked money.
Sa Valenzuela, alas-5 ng madaling araw nang madakma ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Doddie Aguirre sa buy bust operation sa BSOP Bukid, Brgy., Karuhatan sina Vincent Guzman alyas “Bunso”, 19 at Jumer Guzman y, 31.
Ani PCpl Christopher Quiao, nakuha sa kanila ang tinatayang nasa 4 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200, P300 marked money, P140 cash at dalawang cellphones.
Nauna rito, natimbog din ng kabilang team ng SDEU sa pangunguna ni PLTJoel Madregalejo sa buy bust operation sa Bukid ext. Brgy., Balangkas alas-2 ng madaling araw sina Francisco Espinosa alyas “Bobo”, 53, at Dean Oliver Jeciel, 27.
Sinabi ni PCpl Pamela Joy Catalla, narekober sa mga suspek ang nasa 7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P47,600, P500 buy bust money, P700 cash at cellphone.
Nakuhanan naman ng nasa 1.2 grams ng hinihinalang shabu na nasa P8,160 ang halaga sina Jyette Railey Avila alyas “Dayet”, 18, Jacqueline Espinosa, 35, online seller, at 17-anyos na binatilyo matapos madakip sa buy bust operation ng Navotas Police SDEU sa Tawiran 5, Brgy. Tansa 1, Navotas City dakong alas-5:10 ng madaling araw. (Richard Mesa)
-
Pagtatayo ng Bulacan Ecozone, pinigil ni Marcos
HINDI na matutuloy ang planong pagtatayo ng special economic zone at freeport sa Bulacan matapos i-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang batas tungkol dito. Ipinaliwanag ni Marcos sa sulat na ipinadala sa tanggapan ng Senate President na hindi niya susuportahan ang enrolled bill dahil magdadala ito ng malaking panganib sa […]
-
Wish na alagaan ang health niya: RAYVER, naging emotional sa pagbati kay JULIE ANNE
NAGING masaya ang pag-celebrate ni Ms. Coney Reyes ng Mother’s Day dahil sinabay rito ang kanyang 50th anniversary sa showbiz. Sa ‘All-Out Sundays’ sinorpresa si Coney ng kanyang co-stars sa upcoming Philippine adaptation ng hit Koreanovela na ‘Shining Inheritance’ na sina Paul Salas, Michael Sager, Kate Valdez, at Kyline Alcantara. Hinarana […]
-
Life-changing ang maging isang parent: ETHEL, nag-mature na talaga at iniisip ang future ni ELLA
LIFE-CHANGING nga raw ang maging isang parent ayon sa comedienne na si Ethel Booba. Ina si Ethel sa isang 5-year-old daughter named Ella mula sa kanyang partner na si Jessie Salazar. “Nag-mature ba ako? Ako rin nga nagugulat e. Nag-mature talaga ako nu’ng naging nanay ako. Oo, iba na ‘yung priorities ko. Ngayon […]