• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Opensa Depensa CEC Claravall rarampa Rise Up, Shape Up

BIBIDA sa Philippine Sports Commission (PSC) Rise Up Shape Up ang isa sa mga Gintong Gawad 2021 awardee na si Dr. Drolly Claravall sa webisode ngayong Sabado, Perbrero 12.

 

 

Kinilala bilang PSC Gintong Gawad awardee sa “Makabago at Natatanging Produktong Pang-Isport” ang doktora dahil sa imbensiyon niyang ergonomically designed handheld massage tool na nakadisenyo para gayahin ang galaw ng mga kamay at daliri ng isang massage therapist habang dinaraos ang isang taktika sa masahe.

 

 

Nakuha ang ideya ni Dr. Claravall nang dumalo sa seminar patungkol sa “blading and taping sports injuries” sa University of the Philippines noong Hulyo 2017. Ang blading technique ang ginagamit ng handheld massage tool kumpara sa kamay at daliri ng isang tao sa pagmasahe sa muscle at body pains.

 

 

Inalala ni Dr. Claravall ang hirap at sakit na nararanasan ng isang kliyente matapos ang gamutan gamit ang blading technique kaya nakita ang oportunidad na magdisenyo ng kanyang sariling gamit habang nasa isip na ang kagamitan ay dapat na magagamit sa lahat sa parte ng muscle fibers.

 

 

Naisip din niya ang specifically designed na Amazing Touch tool para sa lahat ng mga edad, atleta man o hindi.

 

 

“We, at the PSC do not only look after the training and development of athletes and Philippine Sports. We also ensure the holistic well-being of our athletes, coaches, trainers, and sports enthusiasts, and that means also being on the lookout for products, tools, and services that will keep them at their optimum condition,” bigkas Huwebes ni PSC Women in Sports oversight Commissioner Celia Hicarte-Kiram. “I am glad that the person behind this ingenuity is a woman.”

 

 

Isang multi-talented at inspiring sports woman si Claravall, nagsilbing pangulo ng Faculty Federation and Associate Professor sa Isabela State University-City of Ilagan, Regional Director ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) simula 2009 at sports therapist ng Philippine National Team Elite at Master Athletes.

 

 

Lumahok din siya sa maraming lokal at internasyonal competitions bilang atleta na pinakahuli ay sa 2020 Asian Masters Championship sa Kuching, Malaysia sa women’s hammer throw sa Kuching. Nanalo siya ng bronze medal sa 2019 Asian Masters Championships.

Other News
  • Rep. Velasco: ‘Tahimik lang akong nagtatrabaho bilang paggalang sa term-sharing agreement’

    Nagsalita na rin si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa gitna ng patutsada ng kampo ni House Speaker Alan Peter Cayetano na siya ang nasa likod nang ouster plot laban sa liderato ng Kamara.   Sa isang Facebook post, sinabi ni Velasco na sa simula pa lang nang mabuo ang gentleman’s agreement nila ni Cayetano […]

  • Philippine Pediatric Society, may paalala sa mga magulang ukol sa iba pang bakuna na kinakailangan ng mga bata

    PINAALALAHANAN ng Philippine Pediatric Society ang mga magulang na huwag ding kalimutang paturukan ng iba pang kinakailangang bakuna ang kanilang mga anak.     Ito’y sa kabila ng nagpapatuloy ngayon na vaccination effort ng gobyerno para sa mga batang 5 to 11yo.     Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni Infectious Disease Expert Chairman […]

  • After na magwagi sa ‘2024 New York Festivals’: ‘Black Rider’ ni RURU, nag-uwi ng panibagong parangal

    HINDI lang sa Pilipinas namamayagpag ngayon ang bagong single na “Moonlight” ng P-pop group na SB19.       Matapos ilunsad noong Biyernes, number 1 sa music charts ng siyam ng bansa ang “Moonlight,” at may 1.1 million views naman ang music video sa YouTube sa loob ng dalawang araw.       Sa post […]