Pagmamahal, Manahan ka Tuwina By: Cathy Padol
- Published on February 14, 2022
- by @peoplesbalita
Ikaw ba ay nagmamahal?
Batid ko ikaw ay nagmamahal?
Sa panahong ang mundo ay sadlak sa kawalan ng pag – asa,
Sa panahong akala mo ikaw ay nilisan na ng pag – asa,
Umasa ka! Bumangon ka! Yumabong ka!
Iaahon ka ng pagmamahal.
Alam mo ba na ang pagmamahal ay pag – asa?
Ang bawat pusong nasasaktan, napupunan,
nahihiluman ng kasiyahan,
yan ang pagmamahal.
Ito ay busilak,
Walang bahid at tunay,
Ibinibigay ng malaya,
Buong puso at saya.
Walang kapalit,
Kusang binibigay,
Sinisidlan ang galit at poot,
Inuunawa ang hindi maarok,
Nagpapatawad ng walang pag- imbot.
Alam mo kung ano pa ang pagmamahal?
Ito ay respeto,
pag – ibig, pag- unawa, pagmamalasakit;
Tulad ng mahigpit na yakap ng ating inang marikit,
ang pagmamahal ay nagmula sa langit,
isang biyaya na animo’y
walang hanggang magandang awit.
-
Paglalagay ng DA ng suggested retail price (SRP) sa sibuyas, suportado ni Speaker Martin Romualdez
SUPORTADO ni Speaker Martin Romualdez ang paglalagay ng Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) sa sibuyas upang maprotektahan ang mga konsyumer laban sa mga abusadong negosyante na nagmamanipula sa presyo ng mga bilihin. Una nang inihayag ng DA na sa loob ng linggong ito ipatutupad ang SRP na P150 per […]
-
86% mga Pinoys na-stress dahil sa COVID-19 – SWS
NASA 86% na mga adult Filipino ang nakaranas ng stress dahil sa coronavirus. Sa inilabas na survey ng Social Weather Stations (SWS), 58% na mga adult Filipinos ay nakakaranas ng “great stress” habang 27% naman ang “much stress”dahil sa virus. Mayroon namang 15% ang hindi nakaranas ng iba’t ibang stress. Lumabas din […]
-
PBBM, tinukoy ang Maharlika fund ng Pinas sa Singapore investment pitch
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang business executives sa Singapore na i-explore ang Pilipinas bilang investment hub, tinukoy ang Maharlika Investment Fund (MIF). Binanggit ng Pangulo ang MIF sa kanyang naging talumpati sa 10th Asia Summit kung saan nagsilbing host ang Milken Institute sa Singapore. Buwan ng Hulyo nang tintahan […]