• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA, pinayuhan ang mga supporters na iwasan ang magkalat sa panahon ng campaign rallies

TINAWAGAN ng pansin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga supporters ng 2022 election candidates na iwasan ang pagkakalat kapag sumama sa campaign rallies.

 

 

“Ini-encourage natin ‘yung mga supporters ng atin pong mga kandidato na iwasan po yung pagkakalat,” ayon kay MMDA officer-in-charge General Manager Romando Artes.

 

 

Sinabi ni Artes na ang mga personnel o tauhan mula Metro Parkways Clearing Group (MPCG) at Sidewalk Clearing Operations Group (SCOG) ng MMDA ay bumubuntot sa mga basurang naiiwan sa panahon ng nasabing aktibidad.

 

 

Nauna rito, pinaalalahanan naman ni Environment Secretary Roy Cimatu ang mga kandidato na maging environmentally conscious sa pagsisimula ng campaign period  noong Pebrero 8.

 

 

Partikular na pinaalalahanan ni Cimatu ang mga kandidato na maayos na paghiwalay-hiwalayin ang kanilang mga campaign materials at itapon ng maayos.

 

 

Ang DENR at mga concerned government agencies ay lumagda sa isang joint memorandum circular na naglalayong hikayatin ang mga political parties, party-list groups, at individual candidates na magpatupad ng Solid Waste Management Act of 2000 para sa “Basura-Free Elections.”

 

 

Sa panahon ng kampanya noong 2019 elections, nakakolekta ang MMDA ng 29 truckloads o 200.37 tonelada ng discarded election-related materials mula Marso 1 hanggang Mayo 16.  (Daris Jose)

Other News
  • WILL FERRELL LENDS VOICE TO AN ABANDONED DOG IN RAUNCHY HEARTWARMING COMEDY “STRAYS”

    FROM the worldwide box-office hit Barbie, Will Ferrell stars in the latest feral comedy movie Strays, a subversion of the dog movies we know and love. Ferrell lends his voice to a naïve, relentlessly optimistic Border Terrier named Reggie who was abandoned on the mean city streets by his lowlife owner, Doug (Will Forte; The […]

  • Ads March 6, 2021

  • Construction worker na top 3 most wanted ng Malabon, nasilo

    NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang construction worker na nakatala bilang top 3 most wanted sa kasong robbery with homicide matapos masakote sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jonathan Tangonan ang naarestong akusado na kinilala bilang si Redentor Rodaste, 27 ng Sitio Gulayan, […]