Nasita sa face mask, babae kulong sa shabu sa Valenzuela
- Published on February 15, 2022
- by @peoplesbalita
BALIK-SELDA ang isang 47-anyos na babae matapos makuhanan ng shabu makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na face mask sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Sub-Station 6 commander P/Lt. Armando Delima ang naarestong suspek na si Rowena Bularon, 47 ng Urrutia St., Brgy., Malanday.
Sa report ni PSSg Carlos Erasquin Jr kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, habang nagsasagawa ng anti-criminality operation sa Urrutia Street ang mga tauhan ng SS6 sa pamumuno ni PSMS Roberto Santillan, kasama si Pat Michael Cedric Patac at mga Tanod ng Brgy. Malanday sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Delima nang sitahin nila ang suspek dahil walang suot na face mask na malinaw na paglabag sa city ordinance.
Nang lapitan ni PSMS Santillan para isyuhan ng ordinance violation receipt (OVR) ay pumalag at tinangkang tumakbo ng suspek para tumakas subalit, kaagad din naman siyang naaresto ng mga pulis.
Narekober ni PSMS Santillan sa kamay ng suspek ang hawak niyang pitong transparent plastic sachets na naglalaman ng tinatayang nasa 4 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200, disposable lighter at dalawang plastic candy.
Ani PSMS Santillan, dati ng nakulong ang suspek dahil din sa ilegal na droga at nareb ng sampung buwan subalit, bumalik na naman aniya sa ilegal na gawain.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag Article 151 of RPC at RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Pinas, tinapyasan ng 6%-7% ang economic growth target— NEDA chief Balisacan
BINAGO at pinalitan ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang growth target para sa taong 2024. Sa katunayan, ginawa na lamang itong 6% hanggang 7% range, malinaw na bumaba mula sa nakalipas na target na 6.5% hanggang 7.5%. Ito ang inanunsyo ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa […]
-
3 dam sa Luzon muling nagpakawala ng tubig dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan
MULI na namang nagpakawala ng tubig ang Ipo, Ambuklao, Binga Dam kahapon. Ito ay bunsod pa rin ng patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa naturang mga dam na dala naman ng nagpapatuloy na mga pag-ulan na dulot ng Hanging Habagat. Batay sa datos na inilabas ng mga eksperto, lumagpas […]
-
CHR, kinondena ang anumang uri ng karahasan na ginawa ng mga law enforcers
HAYAGANG kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang anumang uri ng karahasan na ginawa ng apat na pulis na pinatay ang isang mag-ama sa isinagawang illegal drugs operation sa Caloocan City noong 2016. Pinuri naman ng Komisyon ang naging hatol na homicide ni Caloocan City Regional Trial Court Judge Ma. Rowena Violago […]