• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TULAK NALAMBAT SA P1.1 MILYON SHABU SA DAGAT SA NAVOTAS

NALAMBAT ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa karagatan na sakop ng Navotas City ang isa umanong drug dealer na gumagamit ng bangka sa paglalako niya ng illegal na droga, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Rudy Las Piñas, 40, ng 554 B. Cruz St. Brgy. Tangos North.

 

 

Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ang mga operatiba ng Navotas police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa mga mangingisda sa lugar na nakatuklas hinggil sa umano’y illegal drug trade ni Las Piñas.

 

 

Dahil dito, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo, Jr. ang buy bust operation sa karagatan na sakop ng Pulo, Brgy. Tanza 1 dakong alas-4:36 ng hapon kung saan nagawang makipagtransaksyon ni P/Cpl. Glenn Ocampo na umakto bilang poseur-buyer ng P1,000 halaga ng shabu sa suspek na sakay ng maliit na bangka.

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinakma ng mga operatiba.

 

 

Narekober ng mga operatiba sa suspek ang tinatayang nasa 174 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 1,183,200.00, isang caliber .32 pistol na may magazine at kargado ng anim na bala, digital weighing scale, mobile phone, maliit na notebook, itim na timba, buy bust money, P1,500 cash at ang maliit na bangka na gamit umano niya sa pagbebenta ng illegal droga.

 

 

Si Las Piñas ay iprinisinta sa inquest proceedings sa Navotas City Prosecutor’s Office para sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A.10592 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act in relation to Omnibus Election Code. (Richard Mesa)

Other News
  • Nangakong gagawa na ng teleserye… MARIAN, inaming gusto pa rin nila ni DINGDONG na magkaanak pa

    AFTER ng first wedding ni Kapuso Drama Royalty na si Glaiza de Castro sa husband niyang si David Rainey, a businessman from Northern Ireland last October 12, 2021, muli silang ikinasal this time dito naman sa Pilipinas.       Iyon kasi ang kasunduan nila, na mauuna silang ikasal sa Ireland, bago ganapin ang wedding naman […]

  • May bagong serye at show na iho-host: ALDEN, makatatambal ang isa pang JULIA sa movie sana nila ni BEA

    NAPANSIN ng netizens, ang pagsama nina Jose Manalo, Paulo Ballesteros, Wally Bayola, Allan K, Ryan Agoncillo at Maine Mendoza sa pagpapaalam nina Tito Sen, Vic Sotto at Joey de Leon sa “Eat Bulaga.”      Nag-paid tribute naman si Alden Richards, na isa rin sa host ng noontime show, sa pamamagitan ng Facebook caption niya […]

  • Full distance learning di na puwede sa 2nd semester -Commission on Higher Education

    HINDI  na umano papayagan ang mga colleges at universities na magpatupad ng implementasyon ng distance learning simula sa second semester ng Academic Year 2022-2023.     Ito ang nakapaloob na order mula sa Commission on Higher Education (CHED) na pirmado ng chairman na si Prospero de Vera.     Sa ilalim ng CHEd Memorandum Order […]