• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Opensa Depensa Ni CDC

MAGBABALIK-TANAW  sa isa sa naging sikat na karibalan sa Philippine basketball ang San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night.

 

 

Pararangalan ang mga alamat ng sport na sina Robert Jaworski Sr. at Ramon Fernandez ng Lifetime Achievement Award sa Marso 14 gala night sa Diamond Hotel sa Ermita, Manila dahil sa kanilang malaking kontribusyon sa pinakamamahal ng mga Pinoy na laro.

 

 

Ang eksklusibong karangalan ay isa lang sa mga espesyal na parangal na ibibigay ng pinakamatagal na media organisasyon sa okasyong mga ihahatid ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC), at Cignal TV.

 

 

Katuwang din ang MILO, 1Pacman, Philippine Basketball Association (PBA), Rain or Shine, ICTSI, Chooks To Go, Smart, Philippine Racing Commission (Philracom) at MVP Sports Foundation.

 

 

Unang nagkasama sina Jaworski at Fernandez sa star-studded Toyota franchise na nagsimula sa Manila Industrial and Commercial Athletic Association (MICAA), bago binitbit ang kanilang husay at talento sa PBA bilang ilan sa mga founding member.

 

 

Sa tulong ng dalawang star player, nanalo ang Tamaraws ng siyam na kampeonato sa Asia’s pioneering pro league, pero nabuwag ang team bago magsimula ang 1984 season.

 

 

Naghiwalay sina Fernandez at Jaworski sa isang episode kalaunan ay nagsilang sa kanilang hindi malilimutang hardcourt rivalry.

 

 

Gayunman para sa kanilang mga sarili, ang tinaguriang Big J at El Presidente ay naging mas malaki sa buhay.

 

 

Nagtanim ng binhi ang 75-anyos na si Jaworski na nakilala sa  ‘Never-Say-Die’ spirit ng Barangay Ginebra San Miguel. Bilang karismatikong playing-coach nito, hinatid niya ang prangkisa sa apat na kampeonato bago pormal na nagretiro sa paglalaro noong 1998.

 

 

Maraming naitalang rekord sa liga ang 68 anyos na si Fernandez na kasalukuyang Philippine Sports Commission commissioner, at pa ng apat na MVP awards, tatlo post-Toyota days at nanalo ng 11 dagdag na kampeonato sa paglalaro sa Tanduay at San Miguel Beer na may isang grand slam noong 1989.

 

 

Nagretiro si Fernandez bilang all-time leader ng liga sa scoring, rebounding, blocked shots, free throws, at career minutes.

 

 

Makalipas ang ilang taon, ibinaon ng dalawang magkatunggali ang tunggalian at pinagtagpi-tagpi ang mga bagay-bagay na pinasimulan ng yumaong maalamat na coach na si Virgilio ‘Baby’ Dalupan sa likod ng pangmatagalang ‘Jaworski to Fernandez pass’ para sa 132-130 panalo sa buzzer noong 1989 PBA All-Star game .

 

 

Makalipas ang isang taon, nagtulungan ang mga dating teammate bilang coach-player sa silver medal finish ng Pilipinas noong 1990 Beijing Asian Games, na minarkahan ang unang pagkakataon na nagpadala ang bansa ng all-pro team sa mga internasyonal na kompetisyon.

 

 

Ang mga naunang nakatanggap ng Lifetime Achievement awards ng sportswriting community sa bansa ay kinabibilangan nina Dalupan, billiards icon Efren ‘Bata’ Reyes, ang yumaong dating ambassador at basketball project director Eduardo ‘Danding’ Cojuangco, Jr. 1973 Philippine men’s basketball team, Filomeno ‘Boy’ Codinera, at Gintong Alay project director Jose Romasanta.

 

 

Saludo po sa inyo ang OD.

Other News
  • PDu30 sa kaibigan na si Putin: Huwag idamay ang mga sibilyan

    HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang “kaibigan” na si Russian President Vladimir Putin na magsagawa ng pag-iingat na huwag madamay ang mga sibilyan sa kanilang pag-atake.     Ito’y sa gitna ng alalahanin ukol sa tumataas ng bilang ng mga namamatay na sibilyan dahil sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.   […]

  • ‘Di naiwasang hingan ng opinyon sa ‘Eat Bulaga’: KIM, naniniwalang kahit saan mapunta ang TVJ ay susuportahan pa rin

    HINDI naiwasang hingan si Kim Chiu ng opinyon tungkol sa mga nagaganap ngayon sa ‘Eat Bulaga’ bilang isa si Kim sa main hosts ng katapat na ‘It’s Showtime’.       “Change is nandiyan na talaga yan, e. Parang hindi naman natin mababago yan. And ‘yung high respect ng bawat isa sa TVJ is really […]

  • Dumbledore’s First Army Reveals in ‘Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore’ Featurette

    ‘Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore’ just revealed a featurette about Dumbledore’s First Army, along with character posters of the magical group!     Get an inside look into the making of ‘Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore‘ with a newly-released featurette about Dumbledore’s First Army.  The launch coincided with the reveal of solo posters […]