• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, isinasapinal na ang ‘roadmap’ para sa COVID-19 Alert 1

ISINASAPINAL na ng Pilipinas ang “roadmap” para sa tinatawag na “new normal” o “loosest of 5 COVID-19 alert levels.”

 

 

Umaasa kasi ang adviser at researcher ng bansa na mas mapaluluwag na ang restriksyon sa Marso.

 

 

“The declaration of Alert Level 1 requires continued adherence to health rules and a high vaccination rate, especially among the elderly and people with comorbidity, who are most at risk of developing severe COVID-19,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

 

“Right now, pina-finalize na rin po namin sa IATF ang sabihin natin roadmap to Alert Level 1 for NCR, for Metro Manila at kung ano pa man ang mga regions na mag-fulfill ng requirements and conditions,” ani Nograles.

 

 

Sa ilalim ng Alert 1, sinabi ni Nograles na maaaring i-require pa rin sa publiko ang pagsusuot ng anti-virus masks at sundin ang physical distancing.

 

 

Aniya, ang alert level na ito ay magtatanggal sa limitadong operating capacity ng mga establisimyento.

 

 

“Pero ibig po sabihin, kailangan self-regulation, self-policing in establishments themselves,” ayon kay Nograles.

 

 

Araw ng Lunes nang ianunsyo ng Malakanyang ang pagbabalik ng Pilipinas sa  low risk classification para sa COVID-19 matapos na tumaas ang record ng infections noong Enero dahil sa highly contagious omicron variant.

 

 

“If Metro Manila eases its restrictions next month, this will coincide with summer, when many would want to take a vacation and boost the economy by spending on airfare, hotels, and restaurants,” ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion.

 

 

“Hopefully by March, we see Alert Level 1,” aniya pa rin.

 

 

Sinabi pa ni Concepcion na ito lamang ang tanging paraan na “Philippines could replicate the 7.7 percent economic growth in the fourth quarter of 2021, when restrictions were eased.”

 

 

“This is the last 4 months of this administration. And my wish is we close with a bang, we close with a good finish, not only that we are able to bring down the cases of omicron… but we also see the economy, momentum, continue to move up,” ani Concepcion.

 

 

Nauna rito, sinabi naman ng OCTA research group na ang average daily tally ng COVID-19 cases ay maaaring bumaba ng “less than 1,000 a day” sa Marso.

 

 

“Metro Manila’s coronavirus positivity rate is at 6.8 percent and could fall to the 5 percent, which is the benchmark of the World Health Organization, by March 1,” ayon naman kay OCTA fellow Dr. Guido David.

 

 

“Mukhang handa na rin naman na i-deescalate na iyong alert level. Siguro may mga other indicators lang na tinitingnan,” aniya pa rin.

 

 

Ang isa aniyang indicator ay ang situwasyon sa ilang bahagi na malapit sa Calabarzon region, kung saan ay hindi pa naaabot ang low-risk status dahil sa kanilang healthcare utilization rate.

 

 

“Hopefully by the time na mag-Alert level 1 na tayo by March, mababa na talaga iyong risk level natin… minimal na lang ‘yong risk na magkakaroon ng resurgence or major spike in cases,” ayon kay David, isang mathematics professor sa University of the Philippines.

 

 

Samantala, pitong lugar naman sa bansa ang nasa ilalim ng Alert 3 hanggang sa pagtatapos ng Pebrero habang mananatili naman sa Alert 2 ang Kalakhang Maynila. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Mahigpit na implementasyon ng protokol sa kalusugan, sundin’- Gob Fernando

    LUNGSOD NG MALOLOS– Muling binigyang diin ni Gob. Daniel R. Fernando ang kahalagahan ng mahigpit na pagpapatupad ng protokol sa kalusugan at COVID-19 Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolutions sa kanyang mensahe sa opisyal niyang Facebook page kamakailan.     “Ipatutupad po natin ng may lalong paghihigpit ang protokol […]

  • Napa-OMG dahil sa sariling wax figure: LEA, pang-apat na Pinoy celeb sa Madame Tussauds Singapore

    MAGKAKAROON na ng kanyang sariling wax figure sa Madame Tussauds in Singapore ang Filipino international star na si Lea Salonga.       Deserve ni Lea ang pagkilalang ito dahil siya ang kauna-unahang Filipino na manalo ng Tony Award para sa ‘Miss Saigon’. Tinanghal din si Lea bilang isa sa Disney Legends. Aktibo pa rin […]

  • JULIE ANNE, paghahandaan ang pagdating ng daring o sexy roles; magpapakilig muna sila ni DAVID

    MAPAPANOOD na simula ngayong gabi, April 26, ang pagbabalik-acting ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose, sa Kapuso series na Heartful Cafe.        Maraming excited na may bagong ka-love team si Julie Anne, si Kapuso hunk actor David Licauco.      May isang eksena sa teaser ng show na naka-topless lang si […]