• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

34 patay sa landslide sa Brazil

UMABOT sa 34 katao ang nasawi sa malawakang pagbaha at landslides sa Rio de Janeiro, Brazil.

 

 

Ilang araw kasi na nakaranas ng pag-ulan ang Petropolis City na nagbunsod sa pagguho ng mga lupain.

 

 

Hindi pa tiyak naman Riio de Janeiro Fire and Civil Defense Department kung ilang katao ang nawawala.

 

 

Maraming mga kabahayan at sasakyan ang natabunan sa nasabing landslides.

 

 

Dahil dito ay inilagay ang state of public calamity sa Petropolis.

 

 

Binisita ni Governor Claudio Castro ng Rio de Janeiro ang Petropolis at tiniyak ang tulong sa mga nasalanta ng kalamidad.

Other News
  • Lalabag sa back-riding policy, warning lang muna – HPG director

    Warning muna ang ibibigay sa mga lalabag sa polisiya sa pag-angkas sa motorsiklo sa unang araw ng pagpapatupad nito. Sa panayam, iginiit ni Police Brigadier General Eliseo Cruz, PNP-Highway Patrol Group director na simula bukas, July 11 ay magsisimula na sila sa pag-aresto. “Pipilitin natin na lahat ng mga dokumento o patunay na sila ay […]

  • Championship experience gumana na! Celtics tinambakan ng Warriors sa game 2

    MATINDING opensa at mahigpit na depensa ang ginamit ng Golden State Warriors para gantihan ang Boston Celtics, 107-88, sa Game Two ng NBA Finals.     Humataw si Stephen Curry ng 29 points kasama ang limang three-point shots para sa 1-1 pagtabla ng Warriors sa Celtics sa kanilang best-of-seven championship series.     Tumipa si […]

  • Publiko pinag-iingat sa mga Istasyon ng EDSA busway

    Nanawagan ang Department of Transportation (DOTr) sa mga pasahero na sumasakay sa EDSA carousel na mag-ingat matapos na may isang tao na wala sa tamang pag-iisip ang naghurementado na may dalang patalim.     Ang pangyayari ay naganap sa Istasyon ng Ortigas Avenue ng Edsa Carousel kung saan ang isang traffic marshal ay hinabol nito. […]