• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IATF, wala pang desisyon sa mungkahing ipagbawal ang carolling

HANGGANG ngayon ay wala pang desisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa mungkahing ipagbawal ang carolling sa buong bansa pagsapit ng simbang gabi sa Disyembre para maiwasan ang anumang hawaan ng Covid-19.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bagama’t hindi pa ito pinagpapasyahan ng IATF, ay naniniwala siya na mayroong siyensiya sa likod ng bagay na ito.

 

Hindi kasi maiiwasan na magkaroon ng pagtitipun-tipon ang mga carollers upang umikot sa mga bahay-bahay.

 

Sa ganitong pagkakataon aniya ay hindi maiiwasan na kapag kumanta na ang mga carollers ay siguradong may tatalsik at kakalat na laway na siyang isa sa pangunahing dahilan ng impeksyon o pagkahawa sa virus o COVID19. (Daris Jose)

Other News
  • Action plan sa pagpapaluwag sa trapiko sa Metro Manila, inilatag

    NAGKASUNDO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang 17 local government units sa Metro Manila, at mga pambansang ahensya na responsable sa pamamahala ng trapiko sa kalakhang lungsod na maisakatuparan ang pagpapatupad ng limang taong action plan para mabawasan ang pagsisikip sa Metro Manila, ang sentro ng ekonomiya at negosyo ng bansa.     Sa […]

  • Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, wagi ng ginto sa FIABCI’s National and World Prix d’Excellence Awards

    LUNGSOD NG MALOLOS – Nasungkit ng “Farmers/Fisherfolks Training Center” ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang gintong tropeo bilang 2022 Outstanding LGU Project – Public Infrastructure Category sa ginanap na FIABCI-Philippines Property and Real Estate Excellence Awards kamakailan sa Mindanao Ballroom, Sofitel Philippine Plaza Hotel sa CCP Complex, Roxas Boulevard, Lungsod ng Pasay, Maynila.     […]

  • MAINE, Walang kaalam-alam sa naganap na zoom party; ARJO, nag-post ng short but sweet birthday message

    WALA talagang kaalam-alam ang tinaguriang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza sa in-organize na surprise Zoom party ng kanyang talent management na All Access to Artist (Triple A).     Na kung saan dumalo ang mga taong malapit sa kanya (pamilya at kaibigan), kabilang ang kanyang loyals fans para maagang I-celebrate ang 26th birthday ilang […]