SSS, pinaalalahanan ang mga pensioners ng kanilang March 31 deadline
- Published on February 21, 2022
- by @peoplesbalita
PINAALALAHANAN ng Social Security System (SSS) ang kanilang mga pensiyonado ng deadline para sa pagsunod sa Annual Confirmation of Pensioners’ Program (ACOP) na nakatakda sa Marso 31, 2022.
“All pensioners who have not yet complied with the ACOP for the calendar year 2021 are required to do so on or before March 31, 2022,” ayon sa SSS.
“Complying with the ACOP ensures the continuous payment of benefits to pensioners,” dagdag napahayag nito.
Dahil sa COVID-19 pandemic, sinuspinde ang ACOP mula Marso 2020 hanggang Setyembre 2021. Nagpatuloy lamang ito noong Oktubre 1, 2021, ayon pa rin sa SSS.
“For over one and a half years, we have continuously granted our pensioners their respective pensions without the corresponding reporting under the ACOP since they are high-risk individuals to the virus,” ang pahayag ni SSS president and CEO Aurora Ignacio.
“We have then resumed the implementation of this program last October 1, 2021, and to make up for the suspension period, we have given all covered pensioners, except those who already complied for CY 2021, a period of six (6) months or until March 31, 2022, to submit their compliance through online and alternative methods that are designed for their safety and convenience,” dagdag na pahayag ni Ignacio.
Ang mga pensiyonado na mabibigong sumunod ay pansamantalang hindi makatatanggap ng kanilang pensiyon kung saan ay sisimulan ito sa kanilang May 2022 pensions.
“Retirement pensioners residing in the Philippines are not required to comply with ACOP effective October 30, 2017, but are subject to other verification processes, if applicable,” ayon sa SSS.
Samantala, simula Abril 1, 2022, susunod ang SSS sa kadalasang schedule of compliance sa ACOP.
“Starting April 1, 2022, we will follow the usual schedule of compliance for the program, wherein retirement pensioners residing abroad, and total disability pensioners must comply on their birth month; survivor pensioners must comply within the birth month of the deceased member; while dependents and guardians must comply on the birth month of the member or deceased member, whichever is applicable. Non-compliance to this will also lead to the temporary suspension of their pensions,” ayon kay Ignacio.
Maaari rin naman aniyang gawin ng mas maaga ng mga pensiyonado ang pagsusumite ng kanilang requirements o anim na buwan bago pa ang itinakdang iskedyul.
“They may submit their documents via email, mail or courier, or drop box at the nearest SSS branch,” ani Ignacio.
Maaari rin aniyang magpadala ng written request ang mga pensiyonado sa SSS para sa home visit, o request for appointment para sa video conference.
Sinabi ng SSS na “for more information, pensioners may check the uSSSap Tayo Portal at https://crms.sss.gov.ph, follow “Philippine Social Security System – SSS” on Facebook, “mysssph” on Instagram or YouTube, “PHLSSS” on Twitter, or join the SSS’ Viber Community at “MYSSSPH Updates.” (Daris Jose)
-
SolGen, iginiit na legitimate law enforcement operation ang war on drugs
SINABI ni Solicitor General Menardo Guevarra na hindi “crime against humanity” ang war on drugs. Ito aniya ay legitimate law enforcement operation target ang komersyo ng illegal drugs. “‘Yung war on drugs, talagang ‘yung tinatarget natin doon ay ‘yung crime, ‘yung illegal traffic and illegal drugs,” ayon kay Guevarra sa pinakabagong episode ng The Mangahas […]
-
Mga makakalaban unti-unti nang nag-aatrasan: VILMA, maugong pa rin na tatakbong muli bilang gobernador ng Batangas
NAKIPAG-MEETING na si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto sa producer ng Mentorque na si Mr. Bryan Dy kasama sina Direk Antoinette Jadaone at Direk Dan Villegas. Sa nakarating sa amin isa itong magandang project na first time na gagampanan ni Ate Vi ang isang kakaibang papel. Gustong-gusto ni […]
-
SOKOR National na wanted sa illegal online gambling, inaresto ng BI
INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang siang puganteng South Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa llegal online gambling. Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na si Choi Sungsun, 33, ay inaresto sa kanyang tinutuluyan sa San Juan City ng mga operatiba ng bureau’s fugitive search unit (FSU) at […]