Bago o mataas na buwis tinitingnan para bayaran ang utang ng Pinas
- Published on February 21, 2022
- by @peoplesbalita
SA NATITIRANG limang buwan na lamang sa tanggapan, ipinanukala ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang bago o mataas na buwis para mabayaran ang foreign debts ng Duterte administration na ginamit para tugunan ang COVID-19 pandemic.
“We are very confident that 2022 will be the year that we will return to normalcy,” ayon sa Kalihim.
Sinabi ni Dominguez na ang mass vaccination ng pamahalaan ang naging daan upang muling mabuksan ang mas maraming productive economic sectors upang makamit ang 7% hanggang 9% gross domestic product (GDP) growth ngayong taon.
Subalit, mayroon na lamang 132 araw na natitira ang administrasyong Duterte sa tanggapan at ang susunod na administrasyon na ang haharap sa mga utang na ginamit ng gobyerno para sa mga bakuna at iba pang pangangailangan sa panahon ng pandemya.
Sa kabuuan, ang Pilipinas ay nakahiram ng $2 billion (mahigit P102 bilyong piso)—$1.2 billion para sa bakuna at $800 million para sa booster at pediatric shots— mula sa tatlong multilateral bank noong nakaraang taon.
Nakahiram din ang PIlipinas mula sa bilateral partners gaya ng Japan at South Korea para pondohan ang rollout, kabilang na ang logistics at equipment katulad ng cold storage na kinailangan para sa vaccination program.
Sa pagtatapos ng 2021, ang public debt-to-GDP ratio ng PIlipinas ay umakyat sa “16-year high of 60.5 percent, exceeding the 60-percent threshold deemed manageable for emerging markets.”
Subalit, nananatili naman si Dominguez at sinabing “the spike in our debt-to-GDP ratio is well-within affordability, and well-within our rating peers’ experience” o iba pang ekonomiya na mayroong kahalintulad na investment-grade credit ratings gaya ng Pilipinas.
Bagama’t hindi naman sinabi ni Dominguez kung ano ang bago o mataas na buwis na maaaring isama, sinabi ng Kalihim na ang fiscal consolidation package ay pag-uusapan kasama ang lahat ng presidential aspirants.
“We are ready to brief all presidential candidates and their economic teams, and we will present to them ideas on how to handle the increasing debt,” ani Dominguez.
Sinabi naman ng mga opisyal ng Department of Finance (DOF) na maaaring puntiryahin ng susunod na administrasyon ang “relatively untaxed” sectors.
Gaya na lamang halimbawa ng “the viability of carbon tax, a levy on cryptocurrencies, removal of all exemptions from 12-percent value-added tax payments, as well as further hikes of excise taxes on cigarettes, e-cigarettes, alcoholic drinks and sugary beverages were currently being studied and considered.”
Sa kabilang dako, inaasahan naman ni Dominguez ang maayos na transisyon sa susunod na administrasyon gaya ng mga nakalipas na turnovers mula sa isang pangulo patungo sa isa pa simula noong 1986.
“We have a history of orderly and peaceful transfers of power. We have already been preparing our transition documents for the next administration,” anito.
Samantala, sa isa pang kalatas na ipinalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas, sinabi ni Dominguez na ang kamakailan lamang na reporma at pagpapatuloy ng burukrasya ay makatutulong sa susunod na administrasyon para mapanatili ang “solid macro fundamentals” ng ekonomiya.
“The deep bench of technocrats who have helped steer economic policies will be staying beyond June 2022 and would help ensure the continued pursuit of structural reforms,” anito. (Daris Jose)
-
Anak ni Enrile, itinalaga ni PBBM bilang CEZA head
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang negosyanteng si Katrina Gloria Ponce Enrile, anak na babae ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, bilang administrator at chief executive officer (CEO) ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA). Ang posisyon ni Katrina ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ay Cabinet rank. Si […]
-
BOC ipinagmalaki ang laki ng koleksyon sa loob ng 10 buwan
Mayroong nakumpiska ang Bureau of Customs ng kabuuang P72.091 bilyon halaga ng mga smuggled goods mula Enero hanggang Oktubre 2024. Ayon sa BOC na ang nasabing halaga ay nahigitan nila ang halaga noong 2023 na mayroon lamang na P43.29 -B. Ang nasabing mga counterfeit na mga produkto na kanilang nakumpiska noong […]
-
UNLIKELY HEROES: MEET THE GUYS OF “DUNGEONS & DRAGONS”
ANY adventure worth its weight in gold requires likable characters, and Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves has plenty. [Watch the film’s Final Trailer at https://youtu.be/XyTz-RRzrXg] When the movie opens, unfailingly optimistic bard Edgin (played by Chris Pine) and his best friend, the barbarian fighter Holga (Michelle Rodriguez), are locked away […]