Anak ni Enrile, itinalaga ni PBBM bilang CEZA head
- Published on May 26, 2023
- by @peoplesbalita
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang negosyanteng si Katrina Gloria Ponce Enrile, anak na babae ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, bilang administrator at chief executive officer (CEO) ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).
Ang posisyon ni Katrina ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ay Cabinet rank.
Si Katrina ay pangulo at CEO ng JAKA Investments Corporation, at nasa likod ng corned beef brand na Delimondo.
Sa social media post, pinasalamatan naman ni Katrina si Pangulong Marcos sa tiwala nito sa kanya sabay sabing siya ay “beyond grateful” sa pagkakatalaga sa kanya.
Ang CEZA ay nilikha sa bisa ng Cagayan Special Economic Zone Act of 1995, na awtorisado ng matandang Enrile, noong siya ay senador pa lamang.
Tungkulin ng government corporation na i-manage at pangasiwaan ang progreso ng Cagayan Special Economic Zone and Freeport. (Daris Jose)
-
PSC suportado rin ang mga atleta sa Tokyo Paralympics
Kagaya ng mga national athletes na sasabak sa Olympic Games, makakatanggap din ng parehong suporta ang mga lalahok sa Paralympic Games sa Tokyo, Japan. Sinabi ni Philippine Sports Commissioner Arnold Agustin na ito ang pinagtibay ng PSC Board para sa kampanya ng mga Paralympians. “The PSC Board agreed to give the […]
-
Ads July 18, 2023
-
Bago manalo ng Best Actor sa 94th Academy Awards… WILL SMITH, sinapak si CHRIS ROCK dahil kay JADA at nag-apologize din sa acceptance speech
HISTORY making night na sinamahan ng kontrobersya ang naganap na 94th Academy Awards or the Oscars sa Dolby Theater in Hollywood. Sa unang pagkakataon ay tatlong babae ang naging hosts ng Oscars na sina Wanda Sykes, Regina Hall at Amy Schumer. “This year the Academy hired three women to host – because […]