• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Phoenix Suns target si Chris Paul

KINAUSAP ng Phoenix Suns ang Oklahoma City Thunder sa posibleng pagkuha nila kay All-Star point guard Chris Paul.

 

Maganda umano ang naging pag-uusap ng dalawang koponan pero wala pa umanong namumuong deal, ayon sa source.

 

Matatandaang iniligay din dati ng Thunder sa trade market sina Paul George at Russel Westbrook at ngayon handa na rin itong i- trade si Paul.

 

May mga mahuhusay na young roster sa pangunguna ni Devin Booker at Deandre Ayton ang Phoenix Suns kung saan maganda ang naging performance nito sa NBA bubble sa Orlando.

 

Bukod sa mga mahuhusay na batang manlalaro, ibinida rin ng Suns na malapit nang matapos ang first phase ng ginawang $230 million renovation ng Talking Stick Resort Arena. Target ding buksan ng Suns ang kanilang bagong $45 million state-of-the- art practice facility ngayon buwan.

 

Magkakaroon ng sobrang $20 million sa salary-cap space ang Suns ngayon transaction season na nagbigay sa kanila ng posibilidad na magkaroon ng magandang trade at makahanap ng free agents.

Other News
  • Higit 800 barangays recipient sa P16.4-B Barangay Development Program ng gobyerno

    NASA 822 barangays na dating NPA infested areas ang na- cleared na ngayon ng government forces ang recipient sa P16.44 Billion pondo na ilalaan ng gobyerno para sa Barangay Development Program (BDP).   Ayon kay National Security Adviser, Sec. Hermogenes Esperon Jr. ang mga nasabing barangays ay mga dating lugar na target ng operasyon ng […]

  • Pag-angkat ng 150,000 metriko tonelada ng asukal, may go signal ni PBBM

    MAY basbas ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang pag-angkat ng asukal na hindi lalagpas sa 150,000 metric tons (MT)  para tugunan ang kakapusan ng suplay at  masawata ang tumataas na presyo nito sa bansa.     Ayon sa Sugar Order No. 2,  naka-post sa  Sugar Regulatory Administration (SRA) website, kalahati ng kabuuang  import volume, o […]

  • PBBM, ipinagbabawal ang paggamit ng wangwang, blinkers sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno

    IPINAGBABAWAL na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga opisyal at tauhan ng gobyerno ang paggamit ng wangwang at blinkers na itinuturong mga dahilan ng pagkagambala sa trapiko at hindi ligtas sa lansangan at traffic environment.     Sa katunayan, nagpalabas ang Pangulo ng Administrative Order No. 18, na nagbabawal sa mga opisyal at […]