Higit 800 barangays recipient sa P16.4-B Barangay Development Program ng gobyerno
- Published on October 5, 2020
- by @peoplesbalita
NASA 822 barangays na dating NPA infested areas ang na- cleared na ngayon ng government forces ang recipient sa P16.44 Billion pondo na ilalaan ng gobyerno para sa Barangay Development Program (BDP).
Ayon kay National Security Adviser, Sec. Hermogenes Esperon Jr. ang mga nasabing barangays ay mga dating lugar na target ng operasyon ng militar dahil sa kanilang impluwensiya sa CPP-NPA.
Sinabi ni Esperon kailangang tutukan ng pamahalaan ang mga nasabing barangays lalo na sa pagbibigay ng mga development projects ng sa gayon hindi na muli ito maimpluwensiyahan ng komunistang rebelde.
Ibinunyag ni Esperon na ilan sa mga lugar na idiniklarang insurgency free ay nagawan muling maimpluwensiyahan ng CPP-NPA.
Kaya target ngayon ng pamahalaan na idevelop sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga proyekto sa mga nasabing lugar para tuluyan ng mawala ang presensiya at impluwnesiya ng komunistang grupo.
Binigyang-diin rin ni Esperson na kanilang ilalabas ang listahan ng mga barangays na recipient ng nasabing programa.
Layon nito para alisin ang pangamba na basta basta na lamang pinili ng National Task Force ELCAC ang mga nasabing barangays.
Ang mga nasabing barangays ay mula sa Cordillera, region 1, region 2, region 3 hanggang sa region 13.
Kabilang sa mga proyekto na ilalaan ng pamahalaan ay ang farm to market roads, school buildings, water irrigation, health station, forest protection.
Nilinaw ni Esperon na ang mga LGUs ang siyang magpapatupad ng mga nasabing mga proyekto.
Umaasa ang kalihim na maaprubahan na ang hiling nilang pondo. Una ng kinontra ng Makabayan block ang nasabing pondo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
‘Easter ceasefire’ sa Ukraine panawagan ni Pope Francis
NANAWAGAN si Pope Francis ngayong Linggo para sa isang Easter ceasefire sa Ukraine para mabigyan daan ang inaasam na kapayapaan sa pamamagitan nang tinawag niyang “real negotiation.” “Let the Easter truce begin. But not to provide more weapons and pick up the combat again — no! — a truce that will lead to […]
-
Obiena No. 3 na sa world ranking
MULING umangat si Tokyo Olympics veteran EJ Obiena sa world ranking na inilabas ng International Athletics Association Federation (IAAF) sa men’s pole vault event. Sumulong sa No. 3 spot si Obiena na resulta ng kanyang bronze medal finish sa prestihiyosong World Athletics Championships na ginanap sa Eugene, Oregon sa Amerika. Nakalikom […]
-
Ads June 3, 2021