AFP kinalma ang publiko kaugnay sa terror plot ng Hamas sa Pilipinas
- Published on February 22, 2022
- by @peoplesbalita
GUMAGALAW na rin sa ngayon ang intelligence community ng Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa napaulat na terror attack ng kilalang international terrorist group na Hamas sa Pilipinas.
Nakikipag-ugnayan na rin ang AFP sa PNP kaugnay sa nasabing intel report.
Ibinunyag kasi ng PNP kamakailan na may isang Fares Al Shikli alias Bashir ang nanghihikayat umano ng mga Pinoy na may koneksyon sa mga Lokal na Terrorista para magkasa ng pag-atake laban sa Israeli Community sa bansa.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino, hindi naman aniya sila tumitigil sa pagbabantay at sa katunayan aniya ay wala naman silang nakikitang anumang banta sa seguridad sa kasalukuyan.
Sinabi ni Centino nakatuon aniya ang kanilang pansin sa papalapit na halalan kung saan, kailangan din nilang tuldukan ang pamamayagpag ng mga elemento ng CPP-NPA at NDF bilang bahagi aniya ng direktiba sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Centino, nakalatag na ang kanilang deployment sa Bangsamoro Autonomous Region (BAR) gayundin sa SOCCSKSARGEN na kilalang election hotspot.
Ang AFP ang siyang magiging frontliner sa pagpapatupad ng peace and order sa nasabing mga rehiyon sa pakikipag tulungan sa PNP at Comelec. (Daris Jose)
-
Walang ‘conflict of interest’ sa F2 Logistics deal para sa 2022 polls – Comelec
Binigyang diin ng Commission on Elections (Comelec) na walang “conflict of interest” sa pinasok na kontrata ng komisyon sa logistics company na iniuugnay sa negosyante at major campaign donor ni Pangulong Rodrigo Duterte noong tumakbo ito sa pagka-presidente noong 2016. Ang logistic firm ni Uy na F2 ang siyang magde-deliver ng mga election […]
-
Kontra Abuso ng Kongreso
ANG GRUPONG ‘Kontra Abuso ng Kongreso” ay ang nabuo upang bantayan at kontrahin ang sinasabing pang-aabuso ng Kamara de Representantes sa mga resource persons na kanilang iniimbita para imbestigahan. Ayon “Kontra Abuso ng Kongreso”, dapat nang kwestunin ang mga mambabatas sa kanilang mga ginagawang pagtrato sa kanilang mga panauhin para naman maprotektahan […]
-
Susan, ni-reveal na na-confine last year dahil sa pneumonia; traumatic ang experience kahit COVID-19 negative
NI–REVEAL ng Unang Hirit host at broadcast journalist na si Susan Enriquez na na-confine siya sa ospital noong May 2020 dahil sa pneumonia. Three days daw siyang na-confine sa COVID-19 ward dahil pinagsuspetsahang nahawaam siya ng naturang virus. Naging traumatic daw ang experience niyang iyon dahil sa ospital siya nag-birthday at wala siyang kasama. […]