• March 11, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, tiniyak ang tapat, mapayapa at kapani-paniwalang halalan sa Mayo 2022

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa sambayanang Filipino na sisiguraduhin ng kanyang administrasyon ang tapat, mapayapa at kapani-paniwalang halalan sa May 9, 2022.

 

 

Idagdag pa rito ani acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang pagsasagawa ng electoral exercise na ganap na aayon o susunod sa requirements ng Konstitusyon at batas.

 

 

Gayundin, nangako ang Pangulo na ang pagpili sa appointees sa mga posisyon na binakante ng kamakailan lamang na retired officials ng Commission on Elections ay magiging “completely transparent,” kung saan ang mga kandidato ay sasailalim sa “stringent merit-based vetting process.”

 

 

Matatandaang, opisyal nang nagretiro sina Comelec Chairman Sheriff Abas, Commissioners Rowena Guanzon at Antonio Kho Jr. sa kani-kanilang puwesto.

 

 

Ang pagreretiro ng tatlong opisyal ay nag-iwan sa kasalukuyang apat na komisyoner na mamuno sa poll body sa pagsasagawa ng 2022 national at local elections. Lahat sila ay appointees ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Ang apat na komisyoner na natitira ay sina Commissioners Socorro Inting, Marlon Casquejo, Aimee Ferolino, at Rey Bulay.

 

 

Ang pagtatalaga ng pangulo ng mga bagong komisyoner ay sasailalim sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments (CA) — isang body na binubuo ng mga mambabatas mula sa Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso. (Daris Jose)

Other News
  • Petecio, Paalam babandera sa Team Philippines

    BABANDERAHIN nina Tok­yo Olympics silver me­da­lists Nesthy Petecio at Carlo Paalam bilang flag-bearers ang 16-member Philippine representation sa opening ceremony ng Paris Olympics bukas sa Seine River.       “We’ll be a proud and hopeful 16-strong Team Philippines in the opening ceremony,” ani Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino.     Makakasama nina […]

  • PBBM, tinintahan ang batas na magpipirmi sa three-year term ng hepe ng PCG

    TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na naglalayong ipirmi sa tatlong taon ang termino ng Philippine Coast Guard (PCG) commandant.     Sa ilalim ng Republic Act No. 12122, ang commandant ay dapat na mayroong maximum term na tatlong taon, magsisimula sa petsa kung saan nilagdaan ang appointment, maliban kung mas maagang tinapos ng […]

  • Lugar sa buong bansa na nasa ilalim ng Alert level 3, nag- iisa- -IATF

    SINABI ni IATF at Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na may isa na lamang na lugar sa Pilipinas ang nasa ilalim ng Alert level 3.   Ito’y sa gitna ng papaganda ng sitwasyon ng COVID 19 sa bansa.   Ani Nograles, ang lalawigan na lamang ng Apayao ang kaisa- isa at tanging lugar sa bansa […]