• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Biden mariing kinondena ang Russian invasion

NAG-ANUNSIYO na si Russian President Vladimir Putin ng military operation sa Donbas region ng Ukraine.

 

 

Hinikayat ni Putin ang mga sundalo sa may eastern Ukraine na magbaba na ng kanilang mga armas at umatras na.

 

 

Ang Donbas region ay nandoon ang dalawang teritoryo na unang nagdeklara ng independence na Luhansk at Donetsk.

 

 

Agad namang kinondena ni US President Joe Biden at tinawag nitong “unprovoked at unjustified” attack ng Russian military forces.

 

 

Aniya, nakikiisa sa pagdarasal ang buong mundo sa mga mamamayan ng Ukraine.

 

 

Tiniyak din ni Biden na magiging responsable ang Russia at mananagot ito sakaling may maitatalang mamatay at destruction sa naturang pag-atake.

 

 

Sinabi rin ni Biden na aksyunan ito ng Amerika at ng mga kaalyadong bansa.

 

 

“The prayers of the entire world are with the people of Ukraine tonight as they suffer an unprovoked and unjustified attack by Russian military forces. President Putin has chosen a premeditated war that will bring a catastrophic loss of life and human suffering. Russia alone is responsible for the death and destruction this attack will bring, and the United States and its Allies and partners will respond in a united and decisive way. The world will hold Russia accountable,” bahagi ng statement ni Biden.

 

 

Kaugnay nito, patuloy na imo-monitor din daw ni Biden ang sitwasyon at makikipagpulong sila sa G7 leaders bago magpataw ng anumang consequences sa Russia.

 

 

Para naman kay Putin, hind naman daw isang uri nang pananakop ang pagsisimula ng kanilang paglusob sa bahagi ng Donbas region.

 

 

“Circumstances require us to take decisive and immediate action,” ani Putin sa pamamagitan ng RIA-Novosti transcript.” “The People’s Republics of Donbas turned to Russia with a request for help. In this regard, in accordance with Article 51, part 7 of the UN Charter, with the sanction of the Federation Council and in pursuance of the friendship treaties ratified by the Federal Assembly and mutual assistance with the DPR and LPR, I have decided to conduct a special military operation.”

Other News
  • 1,582 Zambo farmers, nag-aantabay ng land ownership awards

    TINATAYANG may 1,582 Zamboanga Peninsula farmers ang nakatakdang maging landowners.     Nakatakda kasing pagkalooban ng  Department of Agrarian Reform ng ‘certificates of land ownership awards (CLOAs) ang mga nasabing magsasaka.     Sa isang kalatas, pangungunahan ni  DAR Secretary Conrado Estrella III  ang pamamahagai ng CLOAs, sakop nito ang kabuuang  2,653 ektarya ng agricultural […]

  • Ads November 12, 2021

  • After na gumanap sa iba’t-ibang supporting roles: JOSEF, nag-enjoy dahil na-challenge sa daring scenes at type makatrabaho si ANGELI

    MAY kasabihan nga tayo na YOLO, “You Only Live Once.” Kaya dapat wag kang matakot sumubok ng mga bagong bagay. Pero minsan, sa kagustuhan nating masubukan ang lahat, nalilimutan natin na may mga bagay na hindi natin dapat gawin. Panoorin kung paanong makikipaglaro sa apoy ang tatlong taong mapusok at mapangahas sa pinakabagong Vivamax Original […]