• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

300MT bigas para sa mga biktima ng bagyong ‘Odette’ dumating na mula Japan

MAGKASAMANG sinalubong nina Japan Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko at National Food Authority (NFA) Administrator Judy Carol Dansal ang pagdating ng 300 metriko toneladang Japanese rice sa ilalim ng inisyatiba ng Asean Plus Three Emergency Rice Reserve (APTERR) initiative sa NFA warehouse sa Valenzuela City.

 

 

Ang bigas na ito ay dadalhin at ipamamahagi sa mga apektadong pamilya dahil sa bagyong Odette sa mga lugar ng Cebu, Bohol, at Surigao del Norte.

 

 

Hinihintay lamang na maibigay sa NFA ang approval ng APTERR Council.

 

 

Sa isinagawang official inspection ng rice stocks, binigyang-diin ni Koshikawa na nangako ang Japan na susuportahan ang PIlipinas na makabangon mula sa matinding dagok na iniwan ng nasabing bagyo.

 

 

“We hope these tons of rice will be delivered soon to nourish typhoon affected families,” anito.

 

 

Ang APTERR ay isang regional cooperation na nagsimula noong 2012. Naglalayon itong palakasin ang food security, poverty alleviation, at malnourishment eradication sa hanay ng kanilang member countries.

 

 

Upang mapagtagumpayan ang iisang layunin, sumang-ayon ang APTERR Parties na magtatag ng rice stocks para tulungan ang mga member countries sa panahon ng “large-scale natural disasters.”

 

 

Sa Pilipinas, libo-libong tonelada ng stockpiled rice mula Japan sa ilalim ng APTERR ang naipamahagi para sa mga nagdaang typhoon victims gaya ng Super Typhoon Yolanda noong 2013, Typhoon Ineng noong 2015, at Typhoon Jenny noong 2019.

 

 

Taong 2020, nagbigay din ang Japan ng 425 metriko toneladang bigas sa mga kabahayan na apektado naman ng Taal Volcano eruption at noong nakaraang taon, ang pre-cooked rice ay ipinamahagi sa mga pamilya na apektado ng Covid-19 sa Quezon City, Maynila, at ilang piling bahagi sa Bulacan at Cavite. (Daris Jose)

Other News
  • Ads December 17, 2020

  • Basketball coach John Thompson Jr, pumanaw na, 78

    Pumanaw na ang unang Black basketball head coach na si John Thompson Jr sa edad 78.   Hindi na binanggit pa ng kaanak nito ang sanhi ng kamatayan nito basta ang sinabi lamang na nagkaroon ito ng problema sa kalusugan.   Hindi na binanggit pa ng kaanak nito ang sanhi ng kamatayan nito basta ang […]

  • Price Act, dapat nang amyendahan

    NAIS  ng isang mambabatas na amyendahan ang 31-taon ng batas na Price Act upang maitaas ang parusa at multa laban sa mga hoarders at mapagsamantalang mangangalakal ng bigas at mais.     Sa House bill 7970, nais ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan na maitaas sa 40 taong pagkabilanggo ang parusa sa naturang […]